Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

6th ID chief ‘di nakalusot sa CA dahil sa Fallen 44

panaliganBIGO si 6th Infantry Division Philippine Army commander, Major General Edmundo Pangilinan na makompirma sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Magugunitang isa si Pangilinan sa mga nasisi sa imbestigasyon ng Senado kung bakit naantala ang pagresponde ng militar sa mga naiipit sa labanan na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na ikinamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao.

Nakalusot si Pangilinan sa committee level ngunit nagisa nang husto ng mga mambabatas kaugnay nang mabagal na pagsaklolo sa SAF troopers.

Mismong si Sen. Alan Peter Cayetano ang nagsulong sa ‘deferment’ ng kompirmasyon ni Pangilinan sa plenaryo hanggang sa susunod na pagbukas ng sesyon dahil maaring may isyu pa aniyang lulutang kaugnay ng Mamasapano operations na maaaring may kinalaman ang heneral.

Samantala, nakalusot sa CA ang 37 pang opisyal ng Sandatahang Lakas makaraan walang nagkwestyon sa kanilang appointments.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …