Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

BIFF Komander Tambako, 3 pa timbog sa GenSan

BIFFGENERAL SANTOS CITY – Hawak na ng mga awtoridad si Komander Muhammad Ali Tambako ng BIFF makaraan mahuli kamakalawa ng gabi sa Brgy. Calumpang, sa lungsod ng Heneral Santos.

Nahuli si Tambako ng mga elemento ng CIDG-12, Joint Task Force GenSan, General Santos City Police Office, ISG, 6MIB, MIG-12, at NICA-12 dakong 9 p.m. kasama ang tatlo pang BIFF members.

Pumasok sa Brgy. Calumpang kamakalawa ng gabi si Tambako ngunit agad hinuli sa bisa ng warrant of arrest na pirmado ni Judge George Jabido ng Regional Trial Court Branch 15 sa Cotabato City dahil sa kasong murder at double frustrated murder.

Hindi na nakapanlaban si Tambako at ang mga kasamahan na may bitbit na tatlong fragmentation grenade at dalawang short firearms.

Agad dinala sa himpilan ng CIDG Reg. 12 ang apat at isinailalim sa imbestigasyon.

Kung maaalala, si Tambako ay tumiwalag sa BIFF makaraan ang pamumugot ng ulo sa Maguindanao noong nakaraang taon.

Kamakailan, inihayag ni Bangsamoro Islamic Freedom Movement spokesman Abu Misry ang kaugnay sa ‘expulsion’ ni Tambako sa grupo at bilang BIFF vice chairman for political affairs.

Bunsod nito, nagtayo si Tambako ng panibagong grupo, ang tinaguriang Justice for Islamic Movement (JIM).

Sinasabing si Tambako ay dati na ring naging miyembro ng MILF at MNLF.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …