Sunday , December 22 2024

Suspension vs Binay pinigil ng CA  

FRONTNAGPALABAS ng temporary restraining order (TRO) ang Court of Appeals (CA) laban sa suspensiyon ni Makati Mayor Junjun Binay.

Batay sa desisyon ng CA, tatagal ng 60 araw ang TRO.

Kahapon ng umaga nang isilbi ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang suspension order ng Ombudsman sa Makati City Hall.

Agad nanumpa bilang acting mayor ng Makati si Vice Mayor Romulo “Kid” Peña.

Ngunit bunsod ng desisyon ng Court of Appeals, mananatili pa ring alkalde ng Makati si Binay.

Una rito, iginiit ni Binay na ilegal ang suspension order ng Ombudsman at pakana ni DILG Secretary Mar Roxas.

Samantala, itinakda ng CA ang oral argument sa petisyon ng alkalde sa Marso 30-31.

Bago ito, iniutos ng Office of the Ombudsman ang suspensiyon kay Binay at 15 iba pa sa loob ng anim buwan nitong Marso 11 dahil sa alegasyong may anomalya sa pagpapatayo ng Makati City Hall Building II.

Nitong nakaraang linggo, nananatili at natutulog si Mayor Binay sa city hall habang nagbabantay sa labas ang kanyang mga supporter.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *