Sunday , December 22 2024

Mayor Binay ‘wag kang  magtago — Rep. Belmonte

FRONTPINAYUHAN ni Quezon City 6th District Representative Christopher Belmonte si Makati Mayor Erwin “Junjun” Binay na harapin ang imbestigasyon ng Ombudsman at huwag magtago gaya ng ginawa ng kanyang amang si Vice President Jejomar Binay.

Ginawa ni Belmonte ang pahayag matapos magpalabas ang Ombudsman ng 6-month preventive suspension kay Mayor Binay habang iniimbestigahan ang umano’y overpricing ng P2.6-billion Makati Parking Building.

Dinepensahan ni Belmonte ang desisyon ng graft court na kasuhan ang mag-amang Binay at 22 pang indibidwal.

Aniya, si Mayor Binay ay maaaring kumuwestiyon sa suspensiyon, ngunit sa bandang huli ang preventive suspension ay ministerial dahil pinipigilan lamang ang sino mang opisyal na katulad niya na makaimpluwensiya sa inquiry o kaya ay magawa pang maipuslit ang ano mang official documents para sa imbestigasyon.

Ipinunto ni Belmonte na walang bahid-politika ang suspensiyon at sino mang opisyal na naipagharap ng criminal complaints sa Office of the Ombudsman ay sinususpinde sa serbisyo o panunungkulan.

“Let us be clear about this matter: No one can demand special treatment since the law does not consider Philippine society as being dominated by a nobility that can invoke certain privileges and the mass of the impoverished whose rights are not guaranteed,” saad ni Belmonte.

Ipinaliwanag niya, ang preliminary investigation na ginawa ng Ombudsman ay nagbibigay permiso kay Mayor Binay na sagutin ang lahat ng alegasyon laban sa kaniya kaugnay ng umano’y maanomalyang award of contract na nagkakahalaga ng P11,940,000  sa architectural na walang public bidding.

Idinagdag ni Belmonte na ang tatay ng alklade na si Vice President Jejomar Binay ay nagpahayag noon na sampahan na lamang siya ng kaso ng kaniyang mga detractor sa Ombudsman na umano’y wastong venue o lugar para sa criminal complaints.

Alinsunod sa batas, kailangan isilbi kay Mayor Binay ang preventive suspension order sa loob ng 5 araw matapos iisyu ng tanggapan ng Ombudsman.

Ang matandang Binay ay nag-akusa na ang mahabang paglilitis ng Senate Blue Ribbon subcommittee na pinamumunuan ni Senator Aquilino Pimentel III para sa isyung overpriced parking building ay ginamit umano ang pamamaraan upang pasamain ang kaniyang imahe.

Pero inihayag ni Belmonte, kakailanganin ng mag-amang Binay na maglabas ng matitibay na ebidensiya upang pabulaanan ang lahat ng iniaakusa laban sa kanila.

“The Binay detractors can gain the upper hand if they cannot disprove the charges through the evidence they would be submitting. The people will be watching the developments at the Office of the Ombudsman and the case would surely be considered as relevant to the coming electoral campaign,” pahayag ni Belmonte.

Apela ng Palasyo kay Mayor Binay: suspensiyon sundin

UMAPELA ang Palasyo kay Makati City Mayor Junjun Binay na sundin ang ipinataw na anim-buwan suspension order ng Ombudsman sa kanya kaugnay sa overpriced Makati City Parking Building.

Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng opisyal ng pamahalaan, halal man o itinalaga sa puwesto, may pnanagutan sa batas at sa sambayanan.

Ngunit na kay Binay na aniya ang pagpapasya kung susundin ang suspension order at walang partisipasyon sa usapin ang Malacañang dahil ito’y alinsunod sa prosesong ipinaiiral ng Office of the Ombudsman na isang independent body.

“E nasa kanya pong pagpapasya. Siya naman po ay isang elected public official na gumaganap din ng kanyang tungkulin nang ayon sa kanyang pananaw,” ani Coloma.

Pagpapairal ng mga proseso ng batas ang turing aniya ng Palasyo sa naturang isyu at walang kinalaman sa politika.

Rose Novenario

Mayor Binay Mananatili Sa Makati City Hall

PATULOY ang paninindigan ni Makati Mayor Junjun Binay na manatili sa loob ng Makati City hall at hindi niya hahayaan maupo ang kanyang bise alkalde na miyembro ng Liberal Party. 

Base sa batas, pansamantala munang uupo bilang alkalde ng lungsod ng Makati si Vice Mayor Romulo “Kid” Peña.

Katuwiran ng alkalde, may kinalaman sa politika partikular na sa nalalapit na 2016 elections, ang aniya’y ‘express suspension’ sa kanya.

Ngunit pinanindigan ng batang Binay na hindi niya ibibigay ang kanyang puwesto at mananatili siya sa kanyang tanggapan dahil ang kasalukuyang alkalde ay kalabang partido at miyembro aniya ng partido Liberal.

Naghain ng temporary restraining order (TRO) si Binay para pigilan ang naging desisyon ng Ombudsman hinggil sa kanyang suspensiyon.

Jaja Garcia

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *