Monday , December 23 2024

Taas-sahod sa public sector employee inihain ni Trillanes

TrillanesINIHAIN ni Senador Atonio Trillanes IV, chairman ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization, ang panukalang batas para itaas ang suweldo ng mga kawani ng gobyerno kasama ang uniformed personnel.

Layunin ng Senate Bill 2671 o salary standardization law 4, na itaas ang base pay ng mga nasa salary grade 1 hanggang salary grade 30 sa level ng presidente

Kapag naging batas, ang base pay ng mga nasa salary grade 1 ay itataas sa P16,000 mula P9,000 kada buwan.

Habang ang base pay ng mga uniformed personnel kada buwan ay itataas sa P23,200 para sa bagong pasok na sundalo habang ang suweldo ng 4 star general ay aakyat sa P550,000.

Kombinsido si Trillanes na sa pamamagitan ng dagdag sa suweldo ng P1.7 milyon kawani ng gobyerno ay mahihimok silang pagbutihin pa ang trabaho.

Naniniwala rin si Trillanes na pangontra ito upang hindi matukso ang mga empleyado ng gobyerno sa tukso ng katiwalian at upang hindi mahimok ang mga kawani na mangibang bansa.

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *