Monday , December 23 2024

Taiwanese vessel naglaho sa South Atlantic Ocean (13 Pinoy pasahero)

hsiang fu chunNANGANGALAP pa ng dagdag na impormasyon ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa ulat na kabilang ang 13 Filipino sa lulan ng nawawalang Taiwanese vessel sa remote area ng South Atlantic Ocean.

Batay sa impormasyon, kabilang sa mga nawawala ang Taiwanese skipper at chief engineer, 11 Chinese national, 21 Indonesian, 13 Filipino, at dalawang Vietnamese sailors.

Una rito, ayon sa mga awtoridad, 49 crew ang nakasakay sa barkong “Hsiang Fu Chun” nang biglang mawalan ng contact sa may-ari ng nasabing vessel makaraan i-report na pinapasok ng tubig ang kanilang deck.

Ang 700-ton squid fishing vessel ay nawala dakong 3 a.m. noong Pebrero 26.

“The vessel was sailing about 1,700 nautical miles (3,148 kilometers) off the Falkland Islands when it vanished,” nakasaad sa satellite data.

Naglunsad na ng search operation ang Taiwan at umapela ng tulong sa Argentina at Britanya at sa iba pang barko na nasa paligid ng karagatan.

“We still don’t know where the ship is and what happened to it,” wika ni Huang Hong-yen, spokesman ng Fisheries Agency.

Wala aniyang ebidensiya na lumubog ang Taiwanese vessel lalo’t mayroon itong equipment na magbibigay ng “mayday signal” sakaling napadpad sa ilalim ng karagatan.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *