Monday , December 23 2024

Pagpili ng bagong PNP Chief ‘wag madaliin ng Malacañang

072414 pnoy pnp policeDAPAT masusing pag-aralan ng Malakanyang at huwag magpadalos-dalos ng desisyon sa pagpili ng susunod na hepe ng pambasang pulisya upang hindi na muling maulit ang mga kapalpakan at anomalya sa institution ng Philippine National Police.

Ito ang panawagan ng mga opisyal ng PNP sa napipintong pagpili ni Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino III ng ipapalit sa nagretirong si PNP chief na si Director General Alan Purisima.

Nanawagan din na isantabi ng Malacañang ang politika sa pagpili ng bago nilang magiging hepe na kanilang susundin sa loob ng maraming taon.

“Let us not mix politics in the choice of the PNP chief. Let us not do mudslinging because it doesn’t speak well of the institution. Let us look at the credentials and track record, let us not be sidetracked by politicos wanting to control the PNP. Vested interest should be set aside and let the welfare of the PNP prevail,” saad ng mga opisyal ng PNP.

Napag-alaman na ang ilan sa mga contender na puwedeng pumalit bilang PNP chief ay sina director  PNP officer-in-charge Leonardo Espina pero malapit nang magretiro, deputy general Marcelo Garbo, General Benjamin Magalong kabilang sa Batch 82 ng Philippine Military Academy (PMA), NCRPO director Carmelo Valmoria at Deputy Chief for Logistic General Juanito Vano Jr.

Si Garbo ay batch mate ni Purisima sa PMA class 81 at roommates nito habang nag-aaral sa PMA at posibleng sumunod sa yapak ni Purisima at sa mga prinsipyo nito.

Si Purisima ang itinuturong nasa likod ng kapalpakan sa isinagawang operasyon ng Special Action Force na ikinamatay ng 44 na miyembro nito

Nabatid na kasalukuyang mayroon umanong minamanok si DILG Secretary Mar Roxas sa Malakanyang para sa pwesto ng PNP chief kahit pa kuwestiyonable ang kredibilidad na ayaw mangyari ng mga opisyal ng PNP.

Jethro Sinocruz

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *