Monday , December 23 2024

Breath analyzer vs drunk driving gagamitin ng LTFRB sa March 12  

breath analyzerGAGAMIT na ng mga breath analyzer ang Land Transportation Office (LTO) simula sa Huwebes para sa pagpapatupad ng Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.

Ang breath analyzer ang tutukoy sa level ng alkohol na nainom ng isang driver. 

Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, aarangkada ang paggamit sa breath analyzer makaraan ang re-training mula sa Marso 10 hanggang 12 ng mga composite team na magpapatupad sa hakbang, na binubuo ng LTO, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), local government unit (LGU) at Philippine National Police (PNP).

Marso 12 ng gabi, uumpisahang gamitin ang mga breath analyzer.

Target aniya ng pagtatalaga ng composite teams na binubuo ng iba’t ibang ahensya, na maiwasan ang ano mang posibleng harassment sa mga motorista. 

Mahaharap ang mga professional driver ng four-wheel vehicles sa tatlong buwan pagkakakulong, multang P20,000 at anim buwan hanggang isang taon suspensyon ng lisensya para sa paglabag na hindi magreresulta sa aksidente sa kalsada. 

Tataas pa ang multa at parusa sakaling makapagdulot ng physical injury o homicide sa ibang motorista ang lasing na driver.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *