Monday , December 23 2024

Huling pag-asa ng Pinay sa death row (Judicial review ng Indonesian SC)

indonesiaHULING pag-asa ng isang Filipina para makaligtas sa hatol na kamatayan sa Indonesia ang judicial review ng Supreme Court (SC) doon.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Charles Jose, ito’y dahil una nang tinanggihan ni Indonesia President Joko Widodo ang hirit na clemency ng Filipinas para sa kababayang nahulihan ng droga.

Ani Jose, kahit pa magbago ang desisyon ng SC ng Indonesia, mananatiling guilty ang Filipina at malamang ay makukulong nang habambuhay.

“Ang purpose po nito (judicial review) ay tingnan lang kung appropriate ‘yung binigay na death sentence doon sa kanyang crime pero hindi na po de-determine ‘yung guilt or innoncence, established na po ‘yan,” paliwanag ni Jose.

“Umaasa na lang po tayo na ma-commute ‘yung kanyang death sentence to, at the very least, life imprisonment… Ito na po ‘yung last legal remedy natin, ‘yung judicial review, at commutation na lang po ang inaasahan natin diyan.”

Una nang ibinalita ni Jose na hindi natuloy ang firing squad sa Filipina nang magdesisyon ang district court sa Yogyakarta na ibalik sa SC ang kaso para sa judicial review. 

Hinihintay ngayon ang abiso ng SC kung kailan ito uumpisahan.

Ang Filipina na nasa death row ay 30-anyos single mother at may dalawang anak sa Filipinas.

Taon 2011 nang magtungo siya sa Malaysia para sana magtrabaho bilang household service worker.

May nakilala siya, na niyaya siyang pumunta ng Indonesia at binigyan ng maleta para dalhin. 

Ngunit ang hindi alam ng Filipina, may lamang ipinagbabawal na droga ang bahage.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *