Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Foul play sinisilip sa pagkamatay ng pulis-Bustos

112514 deadHINIHINALANG may foul play sa pagkamatay ng isang pulis sa Bulacan na nabaril sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. San Jose, bayan ng Baliuag, sa naturang lalawigan kamakalawa. 

Namatay habang ginagamot sa Castro Hospital ang biktimang si PO2 Denmark De Leon, 28, chief Investigator ng Bustos PNP, tinamaan ng bala sa ulo at hita.

Sa ulat ni PO2 Joselito Guevarra ng Baliuag Police, nasa silid ang biktima nang biglang dumating si PO2 Angelica Casimiro na sinasabing nakatalaga rin sa Bustos PNP. 

Makaraan ang ilang minuto, nakarinig ng tatlong putok ng baril ang ina ni PO2 De Leon na si Marilyn habang naglalaba sa labas ng kanilang bahay. 

Mabilis na tinungo ng ginang ang silid ng biktima at bumulaga sa kanya ang duguang anak na may tama ng bala sa ulo at hita.

Masusing iniimbestigahan ng pulisya ang insidente at nakatakdang isailalim sa paraffin examination ang biktima gayondin si PO2 Casimiro.

Micka Bautista

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …