Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Titser sinaksak sa ari ng rapist (Sa Negros Occidental)

FRONTBACOLOD CITY – Nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang public school teacher sa bayan ng Manapla, lalawigan ng Negros Occidental makaraan saksakin ng lalaking tangkang gumahasa sa kanya kamakalawa.

Ang biktima ay 25-anyos ginang at may dalawang anak.

Ayon sa asawa ng biktima, nakalimutan ng kanyang misis na isara ang pintuan ng kanilang bahay habang nagpapatulog ng kanilang anak kaya’t pinasok ng suspek sa kanilang silid kamakalawa ng hapon.

Habang tinututukan ng kutsilyo, inutusan ng suspek ang biktima na makipagtalik sa kanya.

Lumaban ang biktima kaya’t nagalit ang suspek. Sinuntok siya sa tiyan at sinaksak ng dalawang beses sa ari at ginilitan din sa ilong bago tumakas ang suspek.

Ang biktima ay isinailalim na sa operasyon sa Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital sa lungsod ng Bacolod.

Patuloy na pinaghahanap ng mga awtoridad ang suspek na tumakas lulan ng motorsiklo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …