Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ilang noche buena items mas mura sa takdang SRP

121614 noche buenaINIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na may ilang Noche Buena items ang mas mura ang presyo kaysa itinakdang suggested retail price (SRP).

Sa price monitoring ng DTI, may ilang Noche Buena items ang mas mababa o mura ang presyo, ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, may sapat na pagpipilian ang mga mamimili.

Pero pinayuhan ni Dimagiba, na kung maari ay mamili nang maaga at huwag nang sumabay sa dagsa ng last minute shoppers.

Sa pamamagitan umano nito ay makakapamili nang maayos sa mga bibilhing produkto at makaiiwas rin sa sobrang abala lalo’t matrapik ngayong Kapaskuhan.

Sa itinakdang SRP ng DTI, para sa isang kilo ng Swift ham ay nabibili ito sa P185, habang ang isang kilo ng Purefoods Fiesta cooked ham ay P493, para naman sa canned fruit cocktail ay naglalaro ang presyo mula sa P60 hanggang P68.75 habang ang 500-gram queso de bola ay nabibili sa P227.70.

Ang 400-gram pack pasta ay naglalaro mula P30 hanggang P52.75 habang ang 400-gram pack ng elbow o salad macaroni ay nasa P31.50 hanggang P53.

Ang   250-gram pack ng spaghetti sauce ay nasa P18.70 hanggang P26.25. Ang 250-gram pack of tomato sauce ay nasa P17.25 hanggang P19.95 at nasa P39.80 hanggang P44 naman ang lata ng creamer.

Binalaan muli ng DTI ang mga retailers, na sundin nila ang itinakdang SRP dahil sa oras na mapatunayang nagmamanipula sila ng presyo tulad ng profiteering, na isang paglabag sa Price Act, ay mahaharap sa multang P1 milyon bukod sa pagkakulong ng hindi lalampas sa 15 taon.

Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Dennis Roldan Paolo Gumabao Spring In Prague

Dennis pangarap sa anak na si Paolo para magbida natupad

RATED Rni Rommel Gonzales NATUPAD ang pangarap ni Dennis Roldan para sa anak na si Paolo Gumabao. Kapag …