Thursday , May 2 2024

Driver ng Maserati binawian ng lisensiya

121614 ingco maseratiTULUYANG binawian ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng Maserati sports car na si Joseph Russel Ingco makaraan makipag-away sa traffic enforcer na si Jorbe Adriatico.

Sa ipinalabas na resolusyon ng LTO, malinaw na lumabag si Ingco sa reckless driving, committing a crime in the process of apprehension at pagmamaneho nang hindi rehistradong sasakyan.

Ayon kay Jason Salvador, tagapagsalita ng LTO, bukod sa kanselasyon ng kanyang drivers license ay may kaakibat na multang tig-P10,000 kada violation sa tatlong paglabag.

Bagama’t nagreklamo ang panig ni Ingco dahil hindi sila binigyan ng pagkakataon na makasagot, nilinaw ni Salvador na nagbase sila sa desisyon sa reklamo sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at lumabas sa kanilang record na may mga nakaraang kaso ng reckless driving si Ingco noong nakaraang mga taon.

About hataw tabloid

Check Also

Navotas

Navotas magpapatupad ng bagong oras sa trabaho

MAGPAPATUPAD ang pamahalaang lungsod ng Navotas ng bagong iskedyul ng oras sa trabaho simula 2 …

gun shot

Nurse, 1 pa todas
SENGLOT NA SEKYU SUMEMPLANG 2 TUMULONG PINAGBABARIL

ISANG nurse at isang pang lalaki ang namatay sa pamamaril ng lasing na rider, nang …

road accident

7-anyos, nanay, 1 pa patay, 17 sugatan sa bus na nawalan ng preno

PATAY ang tatlo katao kabilang ang isang 7-anyos na batang babae, ang kanyang nanay, at …

Las Piñas KALINISAN Bagong Pilipinas clean-up drive

Las Piñas nagsagawa ng KALINISAN sa Bagong Pilipinas clean-up drive

INILUNSAD ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at pamahalaang lungsod ng Las …

050124 Hataw Frontpage

Naririnig ko lang na may perks… pero hindi itong MLM scheme – DOH chief
BELL KENZ TUMANGGING SANGKOT SA MULTI-LEVEL MARKETING

ni Niño Aclan ITINANGGI ng kompanyang Bell Kenz Pharmaceutical, Inc., ang akusasyon na sangkot sila …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *