Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

APD trainee namatay sa hapi-hapi (Sa recognition rites sa isang private resort sa Nueva Ecija)

120114_FRONTDAHIL sa sobrang kainan at tagayan, isang trainee ng Airport Police Department (APD) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang sinabing namatay sa katatapos na recognition rites sa isang pribadong resort sa Nueva Ecija, kahapon.

Sa isang sketchy report na natanggap ng pahayagang HATAW, nadala pa umano sa isang ospital ang biktimang APD trainee na kinilalang si Leo Lazaro, dumalo sa kanilang recognition rites sa isang private resort sa Nueva Ecija ngunit idineklarang dead on arrival (DOA).

Ilang buwan na ang nakararaan, pumasok sa training ang 30 aplikante para maging Airport police.

Kahapon, Nobyembre 29, opisyal na nagtapos ang training sa pama-magitan ng isang recognition rites sa isang private resort sa Nueva Ecija na sinabing pag-aari ni APD chief, Chief Supt. Jesus Gordon Descanzo.

Sa recognition rites, sinabing maraming pagkain at inumin ang inihanda sa mga nagtapos.

Ayon sa isang source, “Galing sa training hindi dapat pinakain nang marami at pinainom dahil bugbog pa ang katawan nila sa pagod ta hirap.”

Si Lazaro ay sinabing nagtapos ng kursong kriminolohiya sa Philippine College of Criminology (PCCr). Sinikap ng HATAW na kunin ang panig ni Descanzo hinggil sa insidente ngunit nabigo sa ilang beses na pagtawag sa kanilang tanggapan.

Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …