Monday , December 23 2024

DILG, walang pinipili sa paglilingkod — Roxas

091114 mar roxasTiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas sa mga miyembro ng Senado na ang kapakanan ng mamamayan sa pamahalaang lokal ang laging magiging prayoridad ng kagawaran.

Ito ang tugon ni Roxas sa mga sinabi ni Sen. Miriam Defensor-Santiago sa kanyang privilege speech sa Senado noong Lunes nang ipagpatuloy ang pagdinig ukol sa pambansang badyet para sa 2015.

Sa talumpati ni Santiago, pinaalalahanan niya ang DILG na tumutok sa mandato nito na subaybayan ang mga lokal na pamahalaan at siguruhing ligtas ang buhay at ari-arian ng mga Pilipino, saan man sila nakatira at sino man ang kanilang kinikilingan, kaibigan o kaaway.

Isa sa mga proyektong binanggit ng senador ang Sagana at Ligtas na Tubig Para sa Lahat (Salintubig), isang proyektong sinimulan noong 2011 ng dating kalihim ng DILG na si Jesse Robredo.

“Isang mahalagang pangangailangan para sa mga komunidad ang malinis na tubig  at kailangang kasama ang bawat LGU sa pagtugon dito,” sabi ni Roxas.

Idinagdag pa ng kalihim na dahil maraming komunidad ang nananatiling walang supply ng sariwang tubig para sa pang-araw-araw na gawain, malaki ang maitutulong ng proyektong ito. Para sa 2015, aabot ito ng P1.53 bilyon upang maabot ang may 89 lokalidad.

Ayon kay Roxas, sa kabila ng mga pasaring ng ilang sektor na bigyan na kulay politikal ang mga gawain ng DILG, sinikap nilang gampanan ang tungkulin para sa taong bayan sa panahon ng kalamidad at ng kaguluhan, sa pamamagitan ng mga proyekto at programa ng kagawaran.

“Makasisiguro po ang ating butihing senador na hindi nagpapabaya at walang pinipili sa paglilingkod ang DILG,” pagtitiyak ng kalihim.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *