Monday , December 23 2024

Blacklist order vs HK journalists binawi na

112614 HK JournalistsBINAWI na ng Bureau of Immigration (BI) ang blacklist oder laban sa siyam mamamahayag ng Hong Kong na sinasabing nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong isang taon.

Ipinawalang-bisa ng Immigration, kasunod ng rekomendasyon ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA), ang inisyu nitong kautusan noong Hunyo 6, 2014.

“Upon evaluation of the NICA letter dated November 21, 2014 and received by the BI yesterday (November 24), the BI has deemed it proper to lift the blacklist order against the foreign nationals,” ani Immigration Spokesperson Atty. Elaine Tan.

Dagdag ni Tan, mismong NICA, na humiling ng blacklist order, ang nagsabing dapat nang alisin ang utos dahil walang “untoward incident” na nangyari nang dumalo si Pangulong Aquino sa APEC Summit sa China.

“Following normal protocol, the BI heavily relied on the advice of the NICA to lift the blacklist as NICA is presumed to be in a better position to know the facts surrounding the initial finding of undesirability and subsequent reversal of such finding,” dugtong ng tagapagsalita.

Maaari na muling pumasok ng Filipinas ang mga mamamahayag bilang turista sa ilalim ng regular ng immigration process.

Edwin Alcala

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *