Monday , December 23 2024

Supreme Court employees nag-walkout (P16K minimum wage iginiit)

112114 supreme courtNABULABOG ang Korte Suprema kahapon nang mag-walk-out ang mga empleyado upang ipanawagan ang national minimum wage na P16,000 at patuloy na kontrahin ang pagpataw ng buwis sa bonuses at allowances nila.

Eksaktong 12 p.m. nang-magwalk-out ang grupo mula sa kanilang opisina sa Padre Faura, Maynila, at bumalik bandang 12:30 p.m.

Ayon kay Jojo Guerrero, pangulo ng SC Employees Association (SCEA), nais lamang nilang magbigay na ng komento ang Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng petisyon laban sa implementasyon ng BIR Revenue Memorandum Order (RMO) No. 23-2014 na nagpapataw ng buwis sa mga benepisyo ng mga empleyado sa gobyerno partikular ang kanilang bonuses at allowances.

Nabatid na apat beses nang humingi ng extension ang BIR upang magbigay ng komento sa naturang petisyon.

Giit ni Guerrero, kung may basehan talaga ang BIR sa naturang RMO ay bakit nade-delay ang komento ng ahensiya.

Ikinalungkot ng grupo ang napakaliit lamang na bonus na nagkakahalaga ng P9,000 ngunit nais pang bawasan ng buwis ng BIR.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *