Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

16 poste ng Meralco nabuwal na parang domino (Truck sumalpok)

111814_FRONTTILA domino na bumagsak ang 16 poste ng Manila Electric Company (MERALCO) nang mabangga ng isang dump truck ang isa nito na nagdulot nang matinding pagbagal ng daloy ng mga sasakyan at dahilan ng pagkaputol ng supply ng koryente  sa Taguig City kahapon ng umaga.

Sa monitoring ng Metrobase ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), dakong 8:24 a.m. nang mangyari ang insidente sa East Service Road, Brgy. Bicutan, bahagi ng FTI at PNR Site sa naturang lungsod.

Base sa ulat ng MMDA, binabagtas ng dump truck ang naturang lugar patungong C-6 nang biglang sumabog ang gulong nito.

Nawala sa kontrol ang truck at bumangga sa isang poste ng Meralco na nag-domino effect sa 15 pang poste.

Bunsod nito, nag-brownout sa malaking bahagi ng Brgy. Bicutan.

Dinala sa Taguig City Traffic Sector ang driver ng dump truck para im-bestigahan.

Ngunit nakatakas ang driver ng dump truck na hindi nakuha ang pa-ngalan nang magpaalam upang kumain pero hindi na bumalik at hindi na rin nakita sa itinurong restaurant. (JAJA GARCIA)

Jaja Garcia             

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …