Saturday , November 23 2024

Ping Lacson galit sa sinungaling

111714_FRONTNAGSALITA na ang Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) hinggil sa hindi makatotohanang mga akusasyon ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez na mabagal at hindi lubusang pagsuporta ng pambansang pamahalaan sa nasabing lungsod.

Hindi na nakatiis si OPARR Undersecretary Danny Antonio sa maaanghang na pinakawalang salita ni Romualdez sa harap ng mga pagtitiis ng tanggapan upang maisakatuparan ang proyektong inilagak sa mga balikat ni OPARR chief Panfilo “Ping” Lacson na nagpahayag na galit sa mga kasinungalingan ng alkalde.

“Kami sa OPPAR, we are coordinating sa lahat ng effort. So coordinator kami, kumikilos kami para sa lahat ng Yolanda victims hindi lang sa Tacloban, ano? Eastern samar, Western Samar. Lahat naman ng may budget na ng national agencies, imino-monitor namin. ‘Yan ang nagaganap sa lahat ng Yolanda areas,” paliwanag ni Antonio.

“May ininagurahan nga kami na 200 permanent housing sa Tacloban. Naroon kami noon. Naroon din si Sec. (Dinky) Soliman, Gen. Manager (Chito) Cruz at siyempre ang aking boss na si Sec. Lacson. Maybe disregarding what the mayor is saying, iyon ang actual truth, katulad din ng sa Tacloban,” buntong hininga ng undersecretary na tinalikuran ang tungkulin sa pribadong kompanya upang makatulong sa rehabilitasyon ng Yolanda victims.

Nilinaw din ni Antonio na dapat tingnan ang aktuwal na nagagawa ng national government hinggil sa naiaayos na mga kalye, paaralan at iba pang impraestruktura para malaman na may ginagawang pagkilos ang pamahalaan.

“Otherwise, hindi naman siguro magsisinungaling ang ating mga mata from the actual truth. Kami kasi sa OPPAR we just do what we need to do. Hindi namin aalalahanin ang mangyayari kung popular man kami o hindi. Basta gagawin namin ang aming sinumpaang tungkulin for the good of the people. Right now, my conscience says that everything we need to do, we have done it. We are not into a popularity contest,” pagwawakas ni Antonio.

Pinatotohanan naman ni OPARR communications director Karen Jimeno na ang P6 bilyong pondo na tinukoy ni Lacson na ibinuhos sa Tacloban ay ipinadaan sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno sa iba’t ibang porma ng proyekto.

“Nagsisinungaling si Mayor Romualdez kung wala siyang nakikitang proyekto sa Tacloban. Hindi na namin hihimayin pero alam ng mga taga-Tacloban ang katotohanan,” ani Jimeno. “Masyado lang nagpapaawa effect si Romualdez, pero bakit hindi nila tanungin ang mga taga-Tacloban? Laging politika ang motibo niya, ang yaman-yaman ng mga Romualdez pero bakit nananatiling ganoon ang buhay ng mga taga-Tacloban sa ilalim ng pamumuno nila?”

Nilinaw naman ni Budget Secretary Butch Abad na si Romualdez ang humiling na mai-advance kaagad ang Internal Revenue Allotment pero bigla itong umatras nang pumayag ang kanyang tanggapan.

“Nagduda siya (Romualdez) nang pumayag kami sa kanyang kahilingan. Duda siya sa pagmumulan ng IRA gayong malinaw na mula ang IRA sa National Treasury,” sabi ni Abad. May sapat na dahilan si Mayor Romualdez na i-advance ang IRA ng Tacloban sanhi ng kalamidad pero umatras siya sa sobrang pamomolitika. Politika pa rin ang namamayani kaya nasasakripisyo ang pangangailangan ng mga mamamayan.”

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *