Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsunami alert sa PH itinanggi ng Phivolcs

111614 tsunamiITINANGGI ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na may banta ng tsunami sa alin mang bahagi ng Filipinas kasunod ng magnitude 7.1 lindol na tumama sa Indonesia.

Bago ito, mismong ang Phivolcs ang nagbalita ng tsunami warning na itinaas ng Pacific Tsunami Warning Center kaya pinayuhan ang mga nakatira sa eastern seabord ng bansa partikular sa Mindanao, na lumayo mula sa baybaying dagat.

Ngunit sa panayam kay Phivolcs Director Renato Solidum, sinabi niyang walang banta ng tsunami sa Filipinas bagama’t naramdaman ang pagyanig sa ilang bahagi ng bansa.

“‘Yun pong lindol sa Indonesia ay hindi nakapagdulot ng ano mang pagbabago sa antas ng tubig sa dalampasigan ng Filipinas at wala kaming inaasahang ano mang significant na tsunami,” sabi ni Solidum.

“Officially nagdeklara na tayo: there’s no tsunami threat sa Philippines.”

Dakong 10:32 a.m. (oras sa Filipinas) nang tumama sa Halmahera, Indonesia ang magnitude 7.1 na lindol na may lalim na 40 kilometro.

“Based on forecast wave heights and absence of unusual waves from sea-level data recorded by the Davao tide gauge station, there is no Pacific-wide destructive tsunami that is generated by the earthquake,” sabi sa bulletin na ipinalabas ng Phivolcs.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …