Saturday , November 23 2024

Anak binaril ng protestanteng Obispo

093014 gun dead

CEBU CITY – Swak sa kulungan ang isang obispo ng Christ Based Learning and Community Church makaraan barilin ang kanyang anak sa loob ng kanilang bahay sa may Brgy. Punta Engaño, Lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu kamakalawa.

Kinilala ang biktimang si Lemuel Osorio, 33, dating guro ng Punta Engaño Elementary School.

Habang ang suspek ay si Ceferino Osorio, 60-anyos at obispo ng nabanggit na simbahan.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, naabutan ng ama ang anak sa loob ng kanyang silid.

Tinanong ng ama ang anak kung bakit nandoon sa kanyang silid at parang may hinahanap.

Bahagyang may pagkasuplado ang pagkasagot ng anak kaya nagalit ang ama hanggang nagkasagutan ang dalawa.

Hindi nakayanan ng ama ang sitwasyon kaya kumuha ng baril saka pinutukan ang anak.

Tinamaan ng bala sa likod ang anak ngunit nasa maayos nang kondisyon sa pagamutan.

Boluntaryong sumuko ang ama at iginiit na ang kanyang anak ay isang adik at ibinenta ang mga gamit sa bahay para may ipantustos sa bisyo.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *