Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baby boy isinilang na walang putotoy

111414 walang pututoyBACOLOD CITY – Inoobserbahan sa isang pagamutan sa lungsod ng Bacolod ang isang sanggol na isinilang na walang ari sa lungsod ng Cadiz sa lalawigan ng Negros Occidental.

Napag-alaman mula sa lola ng sanggol na si Teresa Batubatan, residente ng Sitio Kaisdaan, Brgy. Daga, Cadiz City, ini-refer sa pagamutan sa lungsod ng Bacolod ang kanyang apo at isinailalim sa eksaminasyon.

Lumalabas aniya na wala talagang ari ang paslit batay sa resulta ng X-ray at CT scan sa sanggol.

Dahil dito, nilagyan ng hose ang sanggol upang may madaanan ang ihi.

Ayon sa lola, ipinanganak na malusog ang sanggol noong Nobyembre 1, 2014 sa Cadiz Emergency Clinic.

Ang sanggol aniya ay may scrotum, isang basehan na lalaki ang kasarian ng sanggol ngunit walang penis.

Ang sanggol ang panganay na anak ng 21-anyos na si Roseta Batubatan Timos ng Cadiz City, at ng kanyang mister.

Patuloy pang inoobserbahan ang sanggol at pinag-aaralan ng mga doktor ang gagawing operasyon para sa kanya.

Ngunit maaari lamang isailalim sa surgery kung mag-iisang taong gulang na ang sanggol.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …