Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

108 Pinoy peacekeepers negatibo sa Ebola

081214 Ebola virusKINOMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na pumasa sa isinagawang screening test for Ebola sa Liberia ang 108 Filipino peacekeepers ilang araw bago ang nakatakda nilang pag-uwi sa bansa.

Ayon kay AFP public affairs office (PAO) chief Lt. Col. Harold Cabunoc, bagama’t pumasa ang mga sundalong Filipino sa nasabing pagsusuri ay kailangan pa rin silang isailalim sa quarantine simula November 11.

“108 Ph peacekeepers have passed the Ebola screening test conducted by the UN Mission in Liberia yesterday (Nov 8),” saad ni Cabunoc sa kanyang Twitter account.

Ika-quarantine ang mga sundalong peacekeepers sa Caballo Island malapit sa Corregidor sa loob ng 21 araw.

Sa kasalukuyan, hawak na ni Col. Roberto Ancan, Commanding Officer ng Peacekeeping Operations Center, ang kopya ng clinical assessments ng Filipino peacekeepers na sumailalim sa Ebola screening test.

Noong nakaraang Biyernes, inihayag ni Pangulong Benigno Aquino na ang isla ng Caballo ang magiging tahanan ng nasa 142 Filipino peacekeepers na galing Liberia.

Ang Caballo Island ay matatagpuan sa Corregidor na may layong 2.6 miles.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …