Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pabahay sa Yolanda victims kapos na kapos pa

111014 pabahay yolandaAMINADO ang Office of the Presidential Adviser for Rehabilitation and Recovery (OPARR) na kapos na kapos pa sila sa inaasahang pagpapatayo ng mga bahay ng super typhoon Yolanda survivors.

Ayon kay OPARR communications head Atty. Karen Jimeno, kulang pa sa dalawang porsyento ang mga naipagawang permanenteng tirahan ng mga biktima ng bagyo.

Ito ay dahil umaabot sa 205,128 ang kailangang maitayo ngunit sa panig ng National Housing Authority (NHA) ay halos 500 pa lamang ang natapos.

Habang 8,000 iba pa ang patuloy na tinatrabaho.

Kasama aniya sa nagiging problema sa konstruksiyon ay ang kawalan nang ligtas na pagtatayuan ng mga bahay, dahil karamihan sa mga ito ay nasa loob ng mapanganib na lugar; mahal din ang lupa sa ibang bahagi at hindi kaya ng pondo; dagdag pa ang mahabang legal process na kailangan para sa mga pribadong lupa.

Bukod sa pabahay, sakop din ng rehabalitasyon ang pagbibigay ng kabuhayan, edukasyon at maayos na kalusugan ng mga biktima ng super typhoon.

Tinatayang matatapos ang rehab effort sa taon 2016.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …