Monday , December 23 2024

Hacienda Binay inikot ni Trillanes (Media kasama)

MAKARAAN ang mga aber-ya, natuloy rin ang pag-iikot ni Sen. Antonio Trillanes IV at ilang kawani ng media sa sinasabing Hacienda Binay sa Rosario, Batangas.

Tumagal ng dalawang oras ang pag-iikot ni Trillanes sa loob ng Sunchamp Agri-Tourism Park bagama’t may ilang bahagi nito na hindi pinayagang masilip.

Kabilang sa mga nalibot ni Trillanes at mga miyembro ng media ang pamosong maze garden na sinasabing ginaya pa sa mga hardin ng mga Royal Family sa Europa. Nakita rin ang pavillion, man-made lagoon, orchids garden, at iba pa.

Habang hindi pinayagang mapasok ang babu-yan dahil kailangan pang magpaalam sa rumerenta rito at may mga protocol na dapat sundin.

Sa panayam kay Trillanes, aminado ang senador na walang direktang makikitang bakas ni Binay sa sinasabing hacienda bagama’t marami aniya silang ibang ebidensyang magpapatunay nito.

“Nakita natin with our own eyes kung ano talaga ang itsura ng Hacienda Binay, itong karangyaan nitong lugar na ito,” sabi ng mambabatas. “Dito mo makikita kung ano talaga ‘yung personalidad nung tao, ‘yung pagbabalat-kayo na siya ay mahirap, kulay mahirap pero ‘yun pala meron siyang tagong lugar kung saan inilalabas niya ‘yung karangyaan niya.”

Tila may pahiwatig ang senador sa kung ano pa ang kanyang ibubulgar sa susu-nod na pagdinig ng Senate Blue Ribbon sub-committee.

“Sa mga darating na araw maiintindihan ninyo kung bakit tayo pumunta rito,” dagdag ni Trillanes.

Ang Sunchamp Agri-Tourism Park ay sinasabing pag-aari talaga ni Binay bagama’t ginagamit si Antonio Tiu para pagmukhaing ang negosyante talaga ang may-ari ng ekta-ektaryang lupain.  (HNT)

Debate nina Binay, Trillanes ikinakasa ng KBP

IKINAKASA na ng Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) ang one-on-one debate nina Vice President Jejomar Binay at Senador Antonio Trillanes.

Sinabi ni KBP Chairperson Jun Nicdao, nakikipag-ugnayan na sila sa magkabilang panig para itakda ito.

Matatandaan, inihayag ni Binay ang hamon kay Trillanes sa isang event ng KBP noong Martes, at ang bise presidente na rin ang humirit na ang KBP ang mag-sponsor nito. Agad kumasa si Trillanes sa debate.

Ayon kay Nicdao, kabilang sa isasangguni nila kina Binay at Trillanes ang lugar, petsa, format at moderators sa debate. Inaasahan aniya nilang mapaplantsa ito sa lalong madaling panahon.

Nauna rito, iminungkahi ng kampo ni Binay na isagawa ang debate sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Nobyembre 10.

Sabi ni Nicdao, “Ang gusto nga natin as soon as possible… Pwedeng mangyari ito next week kung pumayag silang dalawa or the week after next.”

Nag-ugat ang girian nina Binay at Trillanes sa alegasyong katiwalian laban sa bise presidente.

Cynthia Martin/Niño Aclan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *