Saturday , November 23 2024

Baby boy ‘buntis’

101714 baby pregnant buntis

ILOILO CITY – Malaking palaisipan ngayon ang kaso ng isang sanggol na lalaking sinasabing buntis.

Bagama’t paslit at magdadalawang taon pa lang sa Disyembre, natuklasan ng mga doktor na may fetus sa tiyan ni Julian Conrado Rioja ng Pandan, Antique.

Ayon sa ama ng paslit na si SPO1 Julian Rioja, normal nang ipinagbuntis ng kanyang misis ang kanilang anak hanggang maisilang.

Ngunit noong nasa apat buwan na ang edad ng bata, natuklasang naninigas ang kanang bahagi ng kanyang tiyan.

Unang dinala ang sanggol sa albularyo ngunit hindi gumaling kaya nagtungo sila sa doktor sa Kalibo, Aklan.

Inakala ng doktor na may namamagang internal organ sa paslit na posibleng kidney kaya isinailalim siya sa ultra sound at CT scan ngunit normal ang naging resulta.

Nang dalhin sa lungsod ng Iloilo at muling sinuri, natuklasang fetus ang laman ng tiyan ng paslit.

Ayon sa ama, ipinaliwanag ng doktor na “fetus in fetu” ang kondisyon ng kanyang anak.

Ang bata ay naka-confine ngayon sa West Visayas State University Medical Center sa Iloilo City at malaki na ang tiyan kagaya ng isang buntis.

Sa pag-aaral, ang “fetus in fetu” ay isang uri ng ‘developmental abnormality’ na mayroong “mass tissue” kagaya ng fetus sa loob ng katawan ng isang tao.

Ito ay hindi pangkaraniwang kaso na nangyayari sa isa sa bawat 500,000 isinisilang na sanggol.

Sa pag-aaral, may dalawang teorya na itinuturong dahilan ng “fetus in fetu.”

Posibleng ang “mass tissue” ay isang normal din na fetus ngunit ito ay tumubo sa loob ng katawan ng kambal o maaari rin isa itong “teratoma,” isang uri ng tumor na mayroong tissue o organ components.

Sa ngayon, ayon sa mga doktor na sumusuri, maituturing na buhay ang “fetus” sa loob ng katawan ng paslit dahil patuloy itong lumalaki.

 

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *