Limang estudyante ang sugatan nang gumuho ang sahig ng isang gusali ng eskuwelahan sa Naga City kamakalawa.
Ginagamot sa Naga City Hospital sanhi ng mga sugat at pasa sa katawan ang 10 biktima.
Ayon kay Adelina Denido, Principal ng Sta. Cruz Elementary School, dakong 4:00 pm, nang maganap ang insidente sa Gabaldon Building, habang nasa kalagitnaan ng Parents Teachers Association (PTA) meeting.
Nasa 100 bilang ng mga guro, magulang at mga estudyante ang naroroon sa lugar habang tinatalakay kung sino ang gagawin Mr. and Ms. United Nations, nang biglang bumigay ang sahig ng gusali na gawa sa kahoy kaya nahulog ang mga biktima.
Pahayag si Katherine Albeus, guro ng nasabing paaralan, kadalasang pinagdarausan nila ng meeting ang Gabaldon building na itinayo noong 1940, hindi pa ito nare-repair mula noon.