ISANG David Celestra Tan ang nagmungkahi ng kanyang kaalaman kuno para sa pagpapaganda sa aniya’y problemadong sektor ng enerhiya sa bansa.
Pero tila demolition job naman ang kanyang mga komentaryo laban sa ilang industry players at para mapaboran ang ilang grupong malapit sa kanya na may interes din sa naturang sektor.
Inakusahan kasi ni Tan ang Manila Electric Co. (Meralco) sa kanyang artikulo noong Aug. 11 na perhuwisyo raw sa electricity consumers sa Luzon grid dahil sinasabing mas pinapaboran daw sa pagsusubasta ng kanilang power requirements ang kanilang sariling power projects, sa pamamagitan ng subsidiary nitong Meralco PowerGen, o kung hindi naman, ang mga partner na generation companies (Gencos), imbes magkaroon ng “open” at “competitive” na bidding para sa lahat ng Gencos na interesadong magsuplay ng koryente sa Meralco.
Si Tan ay founding president ng Philippine Independent Power Producers Association (PIPPA) at co-convenor ng ‘Matuwid na Singil sa Koryente Consumer Alliance Inc.’
Kaya lang, ang kompanya niya mismo ay sangkot naman sa kabi-kabilang mga kaso at sa ibang bansa gaya ng umano’y tangkang panloloko sa creditors ng kanyang energy-related ventures, panggigipit sa kanilang mga empleyado, at sa palpak na mga kasunduan nila sa kanilang lokal na business partners na Mid-Islands Po-wer Corp. at Oriental Mindoro Electric Cooperative Inc. o ORMECO.
May mga kaso ring kinakaharap si Tan sa Amerika na umano’y nag-ugat sa kasong “fraudulent intent”
Dahil sa mga kinakaharap niyang kaso, mahirap nang paniwalaan at pagkatiwalaan si Tan sa kanyang mga sinasabing “think pieces” kuno patungkol sa pagsaklolo sa naghihingalong sektor ng enerhiya sa bansa.
Inisin muna siguro ni Tan ang kanyang pa-ngalan at kanyang kompanya sa mga kinakaharap na kaso bago magkomento o mag-akusa ng price-fixing lanban sa Meralco. That’s it!
Daming bilib kay Gen. Palparan
Magandang umaga brod. God bless sa ating lahat. Tama lang na gawin ng ating gobyerno ang panatilihing maayos ang ating bayan sa lahat ng bagay. Saludo ako sa ating mga kapulisan, kasundaluhan at maging sa mga sibilyan na nakikibaka sa tama. Sa kaso ni Gen. Palparan, hindi ko gustong humusga kung dapat ba o hindi dapat na bigyan sya ng pabor dahil sa mga nagawa niya para sa bayan. Ayon naman sa ibang grupo, berdugo sya at kung anu-ano pang kasalanan ang nagawa niya sa bayan. Kung pagbabasihan ang rekord niya sa panunungkulan, dapat syang kilalanin at tularan ng mga kapulisan at kasundaluhan.
Ayon sa maka-kaliwa, dapat syang managot sa lahat ng krimen na nagawa nya. Nasa korte na ang desisyon sa bagay na yan. Ang akin lang, sana may tatayo ding magpapatunay na mabuti syang opisyal. Sana sa mga taong naksama nya, ang kanyang mga nasakupan ng aktibo pa siya, kung talagang mabuti syang tao o opisyal, kailangang hangaan at itularan, kung hindi man… kailangan syang hatulan. Yon lang yun. Bago tayo bumato ng putik sa iba, tingnan muna natin ang ating sarili kung tayo na e malinis at walang bahid ng dungis. – Bilray Gomez ng Sta. Ana, 09479492…
(Sa totoo lang mga igan, punung-puno ang inbox ko kahapon ng puro pagpabor at paghanga kay retired Major General Jovito Palparan. Hindi kami personal na magkakilala ng taong ito, pero bilib ako sa kanyang pagkatao lalo nang mabasa ko ang kanyang military backgrounds.
Warrior pala talaga ito. Sabi ko nga sa sarili ko, ito ang taong dapat maging lider ng isang bansa na pinamumugaran na ng mga mandarambong na opisyal sa gobyerno, mga kriminal at sindikato sa droga. Si Palparan ay nakakulong na ngayon sa Bulacan Provincial Jail. Hindi siya nagrereklamo kung saan siya ikulong hindi tulad nung mga mandarambong na senador.
Ang hiling nya lang ay siguruhin ang kanyang seguridad dahil may ‘shoot to kill’ order siya sa NPA. Sa Bulacan Provincial Jail ay may mga nakakulong na NPA. Yari!).
REAKSYON at REKLAMO… Sumulat sa POLICE Files!: JGV Publishing House, Inc., Leyland Bldg., Delgado St., cor 20th St., Port Area Manila Phil. Telefax 521-7015
Cell: 0919-3297810 / E-mail add: [email protected]
Joey Venancio