Saturday , April 27 2024

Kuya inatado ng utol na matansero

BINURDAHAN ng saksak hanggang mapatay ng nakababatang kapatid ang 45-anyos na lalaki dahil sa hindi pagpayag na mag-inoman sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila, kahapon.

Walang habas na pananaksak ang sanhi ng kamatayan ng biktimang si Alberto Balachica, 45, ng 2447 Bonifacio St., Vitas, Tondo.

Agad tumakas ang suspek na nakababatang kapatid ng biktima na si Jesus, 32, isang matansero, ng 2227 Interior Vitas, Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District- Homicide Section (MPD-HS), bandang 7:15 a.m., nang maganap ang krimen sa bahay ng biktima.

Dumating ang suspek sa bahay ni Alberto kasama ang kaibigan buhat sa slaughter house, para mag-inoman pero mariing tumutol ang biktima.

Dahil napahiya sa kaibigan, nagalit ang suspek kaya nagkaroon sila ng manitang pagtalo, kumuha ng butcher’s knife saka pinagsasaksak ang kuya hanggang mapatay. (LEONNARD BASILIO)

About hataw tabloid

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *