Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

768 Pinoy mula Libya dumating na

072314 libya egypt OFW
UMAABOT sa 768 overseas Filipino workers ang nakauwi nang bansa mula sa Libya sakay sa dalawang chartered flight ng Philippine Airlines (PAL) na dumating Sabado ng gabi at madaling araw kahapon.

Dahil sa nagpapapatuloy na labanan sa nasabing lugar, itinaas ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa Crisis Alert Level 4 ang sitwayson sa Libya noong Hulyo 20 at ipinatutupad ang total deployment ban patungong North African country at nananawagan ng mandatory repatriation sa lahat ng OFWs.

Sa report ng DFA, dumating nitong Sabado ang unang batch ng 419 OFWs sa NAIA 2 dakong10 p.m. at personal silang sinalubong nina Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario at Vice President and Presidential Adviser on OFW concerns Jejomar Binay.

Ang pangalawang batch ay binubuo ng 349 OFW na dumating dakong 3:45 a.m. kahapon sa NAIA 2.

Binigyan ng mga bag na naglalaman ng pagkain, tubig at T-shirts ang umuwing OFWs.

Mismo ang pamahalaan ang sumundo sa mga OFW sa Libya na sakay ng dalawang chartered flight.

Ikinatuwa ng OFWs ang naging mainit na pagtanggap sa kanila ng pamahalaan.

Samantala, ayon sa DFA, batay sa kanilang datos mayroon pang 10,000 Filipino ang kasalukuyang nasa Libya pa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …