Saturday , November 23 2024

Lucban, SB dads naggirian vs sugal

081814 lucban quezon

LUCBAN, Quezon – Naggirian ang alkalde ng munisipalidad na ito at ang kanyang kaalyado sa Sangguniang Bayan (SB) bunsod nang biglang pagkalat ng illegal na sugal at street shows sa mga lansangan ng nasabing bayan.

Ang SB, sa pamumuno ni Vice Mayor Ayelah Deveza, dating running mate ni Mayor Celso Oliver Dator, ay nagpasa nitong nakaraang dalawang linggo ng council resolution no. 126-2014, nagpahayag ng kanyang matinding pagkondena at nanawagan para sa pagpapatigil sa pagkalat ng illegal gambling street shows na ginagamit ang pagdiriwang ng “fiesta” at “festival.”

Gayonman, nang ang resolusyon ay isinumite sa tanggapan ng alkalde para sa pagpapatibay, agad itong ibinasura ni Dator, idiniing ang mga aktibidad ay may kaugnayan sa Pahiyas Festival nitong Mayo at fiesta ngayong buwan.

Bilang sagot dito, nagpasa ang SB, kinabibilangan ng mayorya ng mga miyembro na pawang kaalyado ni Dator, ng Kapasiyahan No. 129-2014, na nag-override sa veto ni Dator, naging dahilan nang banggaan ng alkalde at ng local council.

Sa kabila ng nasabing overriding resolution, sinasabi sa ulat na si Dator ay nagpalabas ng mayor’s permit para sa operasyon ng illegal gambling at “peryahan” na ino-operate ng isang nagngangalang Janine Game and Fun Rides.

Sa pag-override sa veto, ipinunto ng SB ang pag-amin ni Lyn Comiso, manager ng Janine Game and Fun Rides, “na kasama sa kanilang (aming) operasyon ang pagkakaroon ng color games at iba pang uri ng sugal.”

Tiniyak ng SB members sa pamumuno ni Deveza, ang paglulunsad ng malawakang public awareness laban sa masamang epekto ng pagkalat ng ilegal na sugal sa kanilang munisipalidad, at sa paggamit sa lahat ng pamamaraang legal upang ito ay maipatigil.

Idiniin din ng municipal councilors, ayon sa umiiral na batas at local na tradisyon, ang fun games at streets show ay maaari lamang pahintulutan nang isang beses kada taon, ngunit hinahayaan ito ng alkalde na maging pagdiriwang sa buong taon.

(ERA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *