AMINADO ang isang transportation consultant na ‘risky’ ang pagsakay sa MRT dahil sa sunod-sunod na aberya sa nsabing transportasyon.
Ayon kay Engineer Rene Santiago, transportation consultant, masyadong marami ang bilang ng mga sumasakay sa MRT araw-araw na aabot sa 500,000 katao.
Dahil dito, kailangan isaayos at taasan ang fare rate sa MRT para makontrol ang patuloy na pagdami ng mga sumasakay rito.
Kasabay nang pagtaas ng pasahe ang massive improvement o pagpapaganda at pagsasa-ayos ng mga unit ng MRT para matapatan nang magandang serbisyo ang mahal na singil sa pasahe.
HATAW News Team