Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

National Transport Safety Board ipinanukala ni Poe

NABABAHALA na rin si Senadora Grace Poe sa rami ng transportation related accidents na dapat nang aksyonan ng gobyerno.

Bunsod nito, naghain si Senadora Grace Poe ng panukalang naglalayong magbuo ng National Transportation Safety Board na mag-iimbestiga sa mga aksidente sa lansangan, himpapawid, dagat, riles at pipeline.

Sa Senate Bill 2266, iginiit ni Poe na responsibilidad ng gobyerno na bigyan ang mga pasahero nang ligtas, mahusay, abot-kaya at accessible public transportation service.

Pinakahuling aksidente ang nangyari kamakailan nang mawalan nang kontrol ang isang depektibong bagon ng Metro Rail Transit (MRT) at bumangga sa barrier sa Taft Avenue Station, sa lungsod ng Pasay.

Iginiit ni Poe, kasama sa magiging responsibilidad ng NTSB ang paglalatag ng mga solusyon sa mga aksidente para sa kaligtasan ng mga pasahero.

(N. ACLAN/C. MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …