Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Health staff ni Erap nag-eskandalo sa Diamond hotel

NAGWALA at nag-eskandalo ang isang health staff ni Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa Diamond Hotel nitong nakaraang Huwebes, Agosto 7, na ikinagulat ng mga taong nakasaksi.

Ayon sa isang source, dumating si Erap sa Sky lounge ng hotel para dumalo sa birthday party ng isang Engr. Bernado.

Pagpasok ni Erap, isang babae ang tumayo at agad sumalubong at umano’y pinaghahalikan na gaya sa isang guess relation officer (GRO) sa isang KTV bar ang alkalde.

Kinilala ang nasabing babae na isang Mrs. Aquino, isang health staff ng Gat Andres Bonifacio Hospital na nasa ilalim ng pamamahala ng Manila City Hall.

Pahayag ng source, hindi pa umano nakontento sa paghalik kay Erap, hinawak-hawakan pa sa hita ang dating Pangulo.

Lalo pang nagulat ang ibang bisita nang mapansin na halos idikit ni Aquino ang kanyang dibdib na tila inaakit ang dating presidente.

Marami rin umano ang nakapansin na tila lasing na si Aquino at hindi na alam ang kanyang ginagawa dahil bukod sa napakaingay at napakalakas tumawa, nagyabang pa na kayang-kaya niya raw si Erap at mas bata pa umano siya kay Laarni.

Inamin ng source na dumating din sa pagkakataong itinulak ni Erap si Aquino at sinabing hindi siya pumapatol sa isang lalaki.

Nakasuot umano si Aquino ng damit na mayrooong floral design at sinabi kay Erap na baka gusto niyang hawakan ang kanyang bulaklak bagay na hindi pinansin ng alkalde.

Sa paglalarawan ng source, si Aquino ay matangkad na babae, malaki ang katawan at medyo may edad na rin at animo’y mukhang maton.

Hindi umano natapos sa hotel ang eksena ni Aquino dahil hinabol niya si Erap sa sasakyan at pumuslit sa mga security para makasakay sa sasakyan ng dating Pangulo.

Upang hindi mapahiya, pinasakay rin pero ibinababa ang babae saka pinasakay sa taxi.

Hindi naitago ng impormante ang kanyang tawa matapos ibagsak sa kung saan ang babae para pumara ng kanyang masasakkyan.

Bukod sa mga bisita ni Bernardo sa nasabing birthday celebration, mayroon din ilang mamamahayag ang naroroon para sa isang get together.

Isang beses sa loob ng isang linggo ay mayroong tinatawag na Kapihan sa Diamond Hotel ang ilang mga mamamahayag hinggil sa napapanahong isyu o usapin sa bansa.

Napag-alaman ilang beses nagpabalik-balik sa tanggapan ng alkalde si Aquino kahit walang appointment at kinukulit ang secretary na payagan siyang makasalo ang ilang kawani ng lungsod.

Naniniwala ang source na dapat ay maging maingat si dating senadora Dra. Loi Estrada sa nasabing babae lalo’t malakas ang balita na iniwan ng asawa kaya naghahanap ng umano’y sugar daddy.

(NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …