Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paslit pisak sa oil tanker (4 sugatan)

PATAY ang isang paslit at sugatan ang tatlong kaanak at isang kapitbahay nang ararohin ng isang oil tanker sa Caniogan, Pasig City, kamakalawa ng gabi.

Naglalaro ang biktimang si Jowielyn Virania, 5, kasama ang iba pang mga bata sa harap ng isang bahay nang biglang umandar ang nakaparadang oil tanker na nag-deliver ng oil products sa katapat na gasolinahan.

Ayon kay Ronnie Sarenas, gasoline boy, inalis ng driver ang kalso ng tanker kaya bigla na lamang umandar papunta sa biktima at mga bahay.

Paliwanag ni Junval Merele, driver ng tanker, sinubukan niyang habulin ang tanker ngunit hindi niya inabotan kaya inararo ang ilang bahay at nasagasaan ang bata, tatlong kaanak at isang kapitbahay.

Bugbog-sarado ang driver sa mga residente ng lugar dahil sa kapabayaan. (ED MORENO)

14-WHEELER TRUCK BUMULUSOK SA 7 SASAKYAN 1 TIGOK, 4 SUGATAN

PATAY ang isang lalaki habang apat ang sugatan nang isang 14-wheeler truck na may kargang buhangin ang bumulusok sa pitong sasakyan sa Taguig City kahapon ng umaga.

Naipit ang biktimang si Rolito Marques alyas Eboy, driver ng naatrasang Elf Truck (TKL-521).

Habang dinala ang apat nasugatan sa Ospital ng Makati, pawang inaalam pa ang pagkakakilanlan.

Base sa inisyal na report ng Taguig City Police, ipinarada ng hindi pa nakilalang driver ang isang 14-wheeler  truck (UNE-539) sa pataas na bahagi ng C5 Road, malapit sa Market-Market ng lungsod dakong 6 a.m.

Ang truck na may kargang buhangin, pag-aari ng Treasure Rock Movers, ay nasiraan kaya pansamantalang iniwan ng driver at pahinante para ipahatak.

Ngunit bumulusok ang truck at inararo ang pitong sasakyan kabilang ang Toyota Innova (NQM-407), minamaneho ni Raymond Ray Castanieda;  Fuso Truck (WSU-554), minamaneho ni Edwin Cruz;  Toyota Vios taxi (UVY-860); Hyundai Accent taxi (UPP-876), minamaneho ni Jaime Lucernas; Nissan Sentra taxi, (TXP-314), minamaneho ni Randy Maligo; Mitsubishi Mirage (UOK-417), minamaneho ni Benedic Cuevas, at isang Elf Truck (TKN-521), minamaneho ni Marques.

Hinala ng mga awtoridad, hindi nailagay sa handbrake ang truck, na ayon sa mga saksi ay bumulusok at huminto lamang ang pag-atras nang tumagilid at bumangga sa isang malaking pader.

Hindi na mahagilap ang driver at pahinante ng truck. (JAJA GARCIA)

10 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 5 SASAKYAN

RIZAL – Sampu katao ang sugatan nang magkarambola ang limang sasakyan kamakalawa sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Police chief, Supt. Arthur Masungsong ang mga biktimang sina Charlene Velasco, 19, driver ng Honda City (UOM-911); Andy Espinosa, driver ng Hino truck (RDF-684); Lesly Tacat, 32, driver ng Honda City (WSA-571); Richard Santiago, driver ng isa pang sasakyan; at Constante Ramos, driver ng Toyota Vios (XA-7325).

Sugatan din sina Rodolfo Perez, Josefina Perez, Ernesto Tagorda, Heneden Bermudez at Glenda Tagorda, pawang pasahero ng nabanggit na mga sasakyan.

Naganap ang insidente dakong 3 p.m. kamakalawa sa kahabaan ng Marcos Highway, tapat ng Filinvest Subd., Brgy. Mayamot, Antipolo City.

Galing sa loob ng subdibisyon sina Gabriel, Santiago at Ramos papatawid ng Marcos Highway nang biglang salpokin ng truck at Honda City mula sa Cubao area.

Ayon sa mga biktima, sobrang tulin ng truck kaya sinalpok ang kotse at sinuro ang tatlo pang sasakyan. (M. BAYLON)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …