Saturday , November 23 2024

We should give PNoy a chance

00 parehas salgado
HINDI sa kinakampihan natin ang Pangulong Noynoy sa kanyang pamumuno dahil sa totoo lang ‘di naman corrupt si Pangulong Noynoy pero dapat naman talaga na managot ang mga mambabatas na nagwaldas sa kaban ng bayan partikular na ang PDAF Scam at DAP.

Pero bigyan natin ng pagkakataon si Pangulong Noynoy at inaayos naman talaga niya ang pondo ng bayan.

Kung sakali man na may pagkakamali diyan dapat paimbestigahan ni PNoy si Sec. Abad at kung napatunayan na mayroong winaldas si Abad ay dapat lang siyang managot sa bayan.

Sa totoo lang matagumpay naman talaga ang anti-corruption campaign ni PNoy pero ‘yung mga alipores niya na nagpapatupad ng reporma ay hindi pa naman nila inaayos dahil pag umasta sila ay parang mga hari.

Huwag ganoon kasi nasisira si Pangulong Noynoy.

Kagaya na lang nitong si Commissioner Sevilla na walang puso na hindi nakikinig kahit may kanser ang mga empleyado niya hindi mahalaga sa kanya.

Ito ang tandaan mo Sevilla, ikaw ay hindi habang buhay sa iyong posisyon at kailangan gamitin mo ang pinag-aralan mo sa mabuting pamamaraan. Kailangan may puso ka dahil lahat tayo ay may katapusan kaya ako ay naniniwala na si Pangulong Noynoy ay maganda ang kanyang ginagawa.

Kaya dapat lang Pangulo na sibakin ninyo ‘yung mga palaging nasa pahayagan at napapabalitang corrupt na gaya ni PAGCOR Chairman Bong Naguiat na dati ay nakikitira lamang sa kanyang biyenan noon pero ngayon ay napakarami na niyang ari-arian doon pa sa Pangasinan sa bayan ng San Fabian at Urdaneta at may mga condominium pa.

Kaya kung totoo ang mga report na ito ay maghanda-handa na siya na kumuha ng magaling na abogado pagkatapos ng termino ng mahal na Pangulo. Pero ako 100 percent ang paniniwala ko kay PNoy sa kanyang panunungkulan.

Dapat na rin sibakin niya si agriculture Secretary Proseso Alcala na palaging nababanggit sa smuggling.

Kaya itong SONA ni Pangulong Noynoy ay magsisilbing wake-up call sa mga kaalyado niya na nagseserbisyo sa bayan para magbago.

Naiyak ako at tumindig ang aking balahibo noong binanggit niya ang kanyang mga magulang na nagserbisyo sa bayan partikular na si Sen. Ninoy na ang Filipino is worth dying for. Nalala ko na naman ang ginawang tulong ni Sen. Ninoy sa aking mahal na ama na naaksidente sa planta ng Central Azucarera de Tarlac. Siya mismo ang tumulong sa aking tatay upang magamot agad. Kaya po ako ipinanganak noong 1959 sa Hacienda Luisita. Ang aking tatay ay tubong Tarlac, Tarlac at ang kanyang nanay ay Dizon. Kaya tatanawin kong utang na loob sa pamilya Aquino ang pangyayaring ‘yun.

Kaya sana naman bigyan natin ng chance ang ating Pangulong Noynoy na matapos ang kanyang termino at sana naman matigil ‘yung mga destabilization plot na naririnig natin.

Pangulo bilang kapamilya mo sa Hacienda Luisita. I salute you at nakasuporta ang buong pamilya ko at kamag-anakan ko sa ‘yo.

Mabuhay ka at sana ‘yung mga gabanite mo na hindi naman nakatutulong sa ‘yo ay kailangan sibakin mo na.

Wala ba kayong napapansin na dapat talaga magkaisa sa bansang ito dahil unang-una tayo ay manlalakbay lamang sa mundong ito at lahat-lahat ay palamuti lamang. Huwag tayong mang-abuso sa kapangyarihan at huwag tayong manlait dahil tayo ay lupa lamang.

Kaya may panahon pa para magnilay-nilay at magbago tayo upang sa ganoon ay maging maganda ang patutunguhan ng ating buhay sa bansa at palakasin natin ang ating spiritual life and make Jesus the center of our life.

God bless us all!

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *