Tuesday , April 15 2025

Babala: Bangus, Tilapia mula sa Pasig River nakakakanser

NAGBABALA ang Makati City Health Department (MHD) sa publiko partikular sa mga residente ng  lungsod, na iwasan bumili ng isdang bangus at tilapya na nangaling o nahuli sa Pasig River dahil hindi ito maganda sa kalusugan at maaaring makakuha rito ng sakit na physical retardation at cancer dahil sa kontaminadong tubig.

Nagpalabas kahapon ng babala si Dr. Jocelyn Vaño, ng city health office ng MHD, na iwasan bumili ng mga isdang nagmula sa Pasig River.

Ang babala ng MHD ay makaraan makatanggap ng ulat na umapaw ang mga isdang bangus at tilapya sa mga palaisdaan sa Rizal at Laguna dahil sa pananalasa ng bagyong Glenda at napunta sa Pasig River.

Ang mga isdang nakukuha mula sa Pasig River ay posibleng nagkaroon ng toxic chemicals partikular ang methylmercury.

Ang nakalalasong kemikal ay delikado sa nervous system at maraming sakit ang makukuha tulad ng physical retardation at cancer.

Ayon sa MHD, huwag maiinganyo sa murang presyo ng isda kung magdudulot ito ng peligro sa buhay.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *