Friday , November 22 2024

BJMP, panagutin sa VIP treatment kay ‘Gigi’ and Co.

 

SA wakas ay umalma na rin ang Ombudsman sa pagbibigay ng espesyal na trato sa mga kinasuhan ng pandarambong kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Hiniling ng Ombudsman sa Sandiganbayan na ilipat sina Janet Lim-Napoles, Sens. Jinggoy Estrada, Bong Revilla at Richard Cambe sa detention facility sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Tagig City o sa iba pang bilangguan na pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sabi ng Ombudsman prosecutors, hindi naman bilangguan ang bungalow na kinasasad-lakan nina Jinggoy at Bong, at ang Fort Sto. Domingo ay hindi kulungan ng suspect na nililitis ng hukuman.

“Aside from its lack of legal basis, the continued detention of accused at their present locations affords them special treatment as they are subjected to different rules and procedure not afforded to all other detention prisoners under BJMP control,” anang prosecutors sa isinumiteng motion sa Sandiganbayan.

Speaking of VIP treatment, kahit naibalik na sa Female Dormitory sa Camp Bagong Diwa si Atty. Gigi Reyes, dapat pa rin managot ang BJMP sa pagdala sa kanya sa Philippine Heart Center (PHC) nang walang court order.

Noong Linggo, ang ‘epal’ ni Communications Secretary Sonny Coloma, magpaliwanag daw ang BJMP, at dahil tanyag naman ang Kalihim sa “lip service” o puro dada pero kulang sa gawa, siguradong walang mapaparusahan kung paha-yag lang niya ang pagbabatayan.

Si Atty. Gigi ay nakunan pa raw ng larawan na naninigarilyo pa habang nasa ospital na mahigpit ipinagbabawal sa sinomang may mabigat na karamdaman o sakit sa puso.

Ang dapat sa mga opisyal at kagawad ng BJMP na may kinalaman sa paglipat kay Gigi sa PHC ay sibakin at kasuhan.

 

PABAYA SA TRABAHO SI SEC. MAR ROXAS

BILANG Interior and Local Government Secretary, si Mar Roxas ang dapat kumastigo sa BJMP a pagtatratong “donya” kay Reyes.

Ang nakabibinging katahimikan ni Roxas ay nangangahulugan na wala siyang pakialam sa batikos ng publiko sa VIP treatment ng BJMP kay Reyes na dati niyang kasamahan sa Senado.

Ang hindi niya pagkibo sa pag-aabuso nina Bong at Jinggoy, pati ang labas-masok na si Enrile sa PNP General Hospital, na dati niyang mga ‘kapwa’ senador, ay katumbas nang pa-ngungunsinti sa pagsasalaula sa patakaran ng PNP sa pagkustodiya sa mga bilanggo.

Kung ang mga simpleng patakaran ay hindi kayang ipatupad nang maayos ni Roxas, paano tayo makaaasa na igagalang ang mga umiiral na batas ng mga katulad niyang politiko, kapag siya na ang naluklok sa Palasyo?

Mas mahalaga pa ba kay Roxas ang magbuhat ng isang sakong bigas para pag-usapan, kaysa tiyakin na maparusahan ang mga nag-lustay sa kaban ng bayan at ayusin ang peace and order situation sa bansa?

Ngayon pa lang ay kitang-kita na isang bangungot para sa bansa ang magkaroon ng isa na namang Roxas sa Malacañang.

 

“FALSE ASIA” NAMANTIKAAN NG PORK BARREL SCAM?

NAKASUSUKA ang resulta raw ng False, este, Pulse Asia survey na kaya bumaba ang popularidad ni PNoy ay maaaring bunsod ng simpatya ng mga tao sa pagkabilanggo nila Jinggoy, Bong at JPE.

Kung totoo ang survey na ito, siguradong taga-oposisyon ang nagpondo, ang tinanong ay mga kamag-anak at kapanalig ng mga senador at hindi ang mga mamamayan na may malasakit sa bayan.

Malinaw na raket ito na pinondohan ng kam-po ng mga senador para gantsohin ang isip ng mamamayan bilang bahagi ng destabilisasyon laban sa administrasyong Aquino.

Eksperto sila sa paglikha ng senaryong yanigin ang poder para mailihis ang atensiyon ng publiko palayo sa kanilang mga kasalanan sa bayan.

Nagtataka lang tayo kung bakit hindi i-survey ng Pulse Asia ang reaksyon ng publiko sa mga kaso ng katiwalian na kinasasangkutan ng mga Binay, mag-inang Guia at JV Ejercito at ang sentimyento ng mga Manilenyo na pinagkaitan ng libreng serbisyong pangkalusugan ni ousted president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Kapag nagawa ito ng Pulse Asia na walang nag-”commission” sa kanilang politiko, at hindi sa kampo nina Erap at Binay nag-usisa, saka na tayo maniwala na hindi “false” ang resulta ng kanilang survey.

 

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

 

 

Percy Lapid

 

About Percy Lapid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *