Tuesday , December 24 2024

Mabuhay NBI STF, AOTCD, RAID, Interpol, Cybercrime, DID, IPR, AHTRAD, Antigraft

TALAGAG magagaling ang iba’t ibang NBI operations unit na nasa pamumuno ni Director Virgilio Mendez at ni Deputy Director Atty. Ricardo Pangan ng Investigation.

Magaling si Atty. Pangan dahil siya ay rose-from-the-ranks, siya ay may kababaang-loob at napakasimple, kaya siya ‘yung tinatawag na tinaguriang anak ti amianan dahil nagtatrabaho siya nang maayos para sa bayan.

Ang prinsipyo n’ya sa mga lumalapit sa kanya pag hindi pwede huwag nang ipilit dahil mapapahiya lang kayo, kaya keep up the good work kabsat!

***

Congratulations sa NBI-STF sa kanilang ginawa na kasuhan ang mga involved sa PDAF Scam. Alam nila na mabigat ang kanilang mga iniimbestigahan at hindi sila natakot dahil ito ay para sa bayan.

Dahil sa kanilang kasipagan at katapatan sa bayan, silang lahat ay nabigyan ng promotion.

Keep up the good work with the leadership of NBI-STF Chief Roland Agrabioso.

***

Ang AOTCD naman sa pamumuno ni Chief Rommel Vallejo at kina Special Investigators Joey Guillen, Aldrin Mercader, Darwin Francisco, Pablo Kenyaw, Marfil Baso, Danilo Mayani, Mr. Harolde Malabanan, Agents Aubren Cosidon at Aristotle Adolfo ay mapupuri mo rin sa kanilang ginawang paglusob at pag-aresto sa isang nagpapanggap na NBI agent na si Reynaldo Dela Cruz kasama si Delfina Tano sa pagbebenta ng mga pekeng NBI ID at permit to carry at baril na nagkakahalaga ng daan-libong piso.

Masigasig, magagaling at matatapang sila at kinasuhan na nila ng estafa, falsification of public documents, usurpation of authority at violation of R.A. 1866.

Mabuhay kayo mga bro!

***

Marami rin accomplishment ang NBI-RAID sa pamumuno ni Atty. Erick Isidro dahil sa pagkakasabat ng napakaraming droga at mga baril simula nang mamuno siya rito. Talagang hindi matatawaran ang kanilang ginagawa sa kanilang tapat na panunungkulan.

Kudos team RAID! God bless you all!

***

Magaling din ang pagmamanman at pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang ambassadors na may kaugnayan sa terorismo ang ginagampanan ni Atty. Daniel Daganzo na talagang napakarami na rin ang pinagdaanan bago marating ang kanyang tungkulin at ngayon ay pinamumunuan niya ang NBI-Interpol at magagaling na top caliber investigator sa pag-iimbestiga sa mga kaso ng mga fugitive.

Keep up the good work idol, Danny!

***

Hindi rin matatawaran ang ginagawa ng Cybercrime Division ng NBI dahil sa sunod-sunod na raid nila sa malalaswang gawain sa internet na sangkot ang mga foreigner na nambibiktima ng mga menor de edad na nagbebenta ng aliw sa pamamagitan ng internet.

Marami na silang nailigtas na mga bata at kanilang kinasuhan ang mga may-ari ng mga netshop. Dahil na rin sa magandang pamumuno ni Head agent Ronald Aguto.

Mabuhay kayong lahat sa NBI-Cybercrime!

***

Marami nang iniimbestigahan at naresolba ang NBI-Death Investigation Division, isa na ang Atimonan Case at iba pang mga sensational murder case.

Andoon ang mga beteranong imbestigador sa pangunguna ni Atty. Rizaldy De Vera at iba pa.

Resulta ‘yan ng magandang leadership ni Joel Tovera.

Sa ngayon ay talagang 24/7 ang kanilang pag-iimbestiga sa naganap na hazing sa isang estudyante ng De La Salle – College St. Binellde.

The best si Atty. Tovera. Ayaw ng media mileage dahil napakasimple niyang tao.

Keep up the good work NBI-DID. Mabuhay ka kabsat at ang iyong buong team!

***

Maganda rin ang performance ng NBI-IPR sa pamumuno ni Atty. Dante Jacinto at Atty. Danielito Lalusis sa pagkakasabat nila sa mga pekeng kargamento na nagkakahalaga ng daan-daang milyon piso.

Talagang nagseserbisyo sila nang tapat para sa bayan!

At kaya ingat-ingat kayo mga smuggler at mga nagmamay-ari ng bodega na may mga lamang pekeng goods dahil baka bigla na lang kayong matiktikan ng magagaling na NBI agents. Sa media na mahilig umarbor ng huli ng opisina nila ‘e tumigil ka na. Tablado ka sa IPR!

Mabuhay ang NBI-IPR.

***

Mabuhay ang NBI-ATHRAD sa pangunguna ni chief Atty. Dante Bonoan.

Dahil na rin sa kanilang kasipagan ay maraming naresolbang kaso laban sa human trafficking.

Talagang puspusan ang kanilang pagtatrabaho para na rin sa kanilang sinumpaang tungkulin upang maprotektahan ang ating mga kababayan.

Mabuhay kayo!

***

Maraming kasong isinampa ang NBI Anti-Graft Division sa pangunguna ni Atty. Romulo Asis.

Talagang wala silang kinikilingan pagdating sa pagpapatupad ng batas at mananagot ang mga sangkot sa corruption.

Kaya naman hindi kaduda-dua ang kanilang mga paghihirap para sa mga imbestigasyon na kanilang ginagawa dahil para na rin ito sa tuwid na daan ng ating Pangulo.

Marami ang bumilib dahil malalaking opisyal ng gobyerno ang nakasuhan nila sa corruption.

Kaya naman babala nila, may panahon pa para magbago ang mga kurakot sa gobyerno.

Keep up the good work guys! Mabuhay kayo at mabuhay ang buong NBI.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *