Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagdakip sa Australian extremist ibinida ni Coloma

IPINAGMALAKI ng Palasyo na bahagi ng kampanya kontra-terorismo ng administrasyong Aquino ang pagdakip ng pulisya sa isang hinihinalang Australian Muslim extremist sa Lapu-Lapu City, Cebu kahapon ng umaga.

“Bahagi  ito ng patuloy na kampanya laban sa terorismo,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma, Jr., kaugnay sa pag-aresto kay Robert Edward Musa Cerantonio, 29-anyos Muslim convert, itinuturing na online cheerleader ng Al-Qaeda linked group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Nabatid na si Cerantonio ay halos isang taon nang nakabase sa Filipinas at isa sa “most-liked extremist preacher” sa isang social networking site.

Kasama ni Cerantonio nang maaresto ang isang Joean Montayre, sinasabing fashion designer na may alyas na Mayra Ashawie na taga-Mindanao.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …