Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pahinante tepok driver kritikal sa ‘hijackers’

PATAY ang isang pahinante habang nasa malubhang kalagayan ang kasamang driver nang saksakin ng dalawang hindi nakilalang suspek dahil pumalag ang dalawa sa tangkang pag-hijack sa dala nilang container  van kahapon ng umaga sa lungsod ng Las Piñas.

Nalagutan ng hininga bago idating sa Ospital ng Parañaque si William Batuga Biagcong, pahinante, ng 44 B-1, Bernal S Bank Road, Floodway, San Andres, Cainta, Rizal, may tama ng dalawang saksak sa katawan

Habang mula sa Las Piñas District Hospital ay inilipat sa Zarate Medical Center ang driver na si Zandro Margallo, 34, ng Movers Forwarders, residente ng Tipas, Taguig City, tinamaan ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nagsasagawa na ng follow-up operation ang Las Piñas City Police kaugnay sa insidente at inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawang suspek.

Base sa inisyal na report na natanggap ni Las Piñas City Police chief, Sr. Supt. Adolfo Samala, Jr., dakong 5:20 a.m. nang maganap ang insidente sa C5 Extension, Brgy. Manuyo Dos ng nabanggit na siyudad.

Minanamaneho ni Margallo ang container van (RHT-107) at kalalabas lamang mula sa SM Warehouse, ngunit lingid sa kanilang kaalaman ay inaabangan sila ng isa sa mga suspek na armado ng baril.

Tinutukan ng baril ang dalawang biktima at pinatigil ang container van na tangkang i-hijack.

Nang babarilin ng suspek ang dalawang biktima ay hindi pumutok ang baril. Sa puntong ito, nagkaroon ng lakas ng loob ang dalawa na pumalag ngunit inundayan sila ng saksak ng isa pang suspek. (JaJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …