Friday , November 22 2024

Paninira vs. De Lima bastos, garapalan pa

MASYADONG halata na ang pag-arangkada ng mga personal na pag-atake laban kay Justice Secretary Leila de Lima ay may layunin na isa-botahe ang panig ng prosekusyon na magsusulong ng pork barrel scam cases sa Sandiganbayan.

Ang National Bureau of Investigation (NBI) na nasa ilalim ni De Lima ang nag-imbestiga at patuloy na nagsisiyasat sa pork barrel scam, at kung masisira ang kredibilidad ng justice secretary, malaki ang tsansang pagdududahan ang paghawak niya sa mga kaso.

Ang napakalaking kuwestiyon sa birada kay De Lima ay kung bakit nagmula kay Sandra Cam na akala mo donselya kung umasta pero dati namang “keridang kabit” cum jueteng collector ng isang police colonel at kilalang malapit kina rehab czar Panfilo “Ping” Lacson at deposed president at convicted plunderer Joseph “Erap” Estrada.

Dating mag-amo sina Erap at Ping at parehong nasangkot ang pangalan sa Dacer-Corbito double murder case at espionage case sa Amerika sa layuning pabagsakin ang administrasyong Arroyo noong 2005.

Ipinangangalandakan ni Cam na si De Lima ay may “illicit affair” sa driver/bodyguard niyang si Ronnie Dayan at dating police colonel na si Cesar Mancao.

Si Mancao ay tumestigo sa korte na nagsabwatan sa pagtumba kay PR man Salvador “Bubby” Dacer ay si Erap alyas “Bigote” at si Lacson bilang pinuno noon ng Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF).

Alam ng lahat na may kinikimkin na galit ang rehab czar kay De Lima dahil noong panahong pugante si Ping bilang suspek sa Dacer-Corbito double murder case ay ipinatugis at pinakansela nito ang kanyang pasaporte.

Nang ibasura ng hukuman ang Dacer-Corbito case, si Mancao na saksi pa ang naging akusado at bago mailipat sa Manila City Jail ay tumakas sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Si Cam, balitang consultant ngayon sa Manila City hall, ay tumulong sa kampanya ni Erap bilang mayoralty bet noong 2013 elections at ama ni Sen. Jinggoy Estrada na kinasuhan ng pandarambong kaugnay sa P10-B pork barrel scam.

Kaya naniniwala tayo sa pahayag ng grupong Reborn Filipinos for Reform Philippines Movement (RFRPM) na isinumite sa Commission on Appointments (CA) hinggil sa pagharang ni Cam sa pagkompirma kay De Lima bilang kalihim ng DOJ.

Lumalabas na tama ang mga nauna na na-ting isiniwalat sa pitak na ito at sa malaganap nating programang “Katapat,” napapakinggan sa Radio DWBL (1242 khz), 11:00 pm – 12:00 mn, Lunes hanggang Biyernes, na may koneksiyon ang panggugulo sa pork barrel scam case sa destabilisasyon laban kay Pangulong Aquino.

Gusto nilang palabasin na walang kakaya-han si PNoy na panagutin ang lahat ng sangkot sa pork barrel scam kaya dapat na siyang patalsikin sa puwesto at mailuklok ang makapagliligtas sa kulungan sa mga mandarambong sa kaban ng bayan.

Kung may record na hanggang sa US ang pagsasabwatan nina Erap at Ping sa tangkang pagpapabagsak ng gobyerno, hindi imposibleng nakasawsaw rin sila ngayon sa pakana laban kay PNoy.

“TUWID NA DAAN,” MALAPIT

NANG MAKITA AT MARATING

NI SEN. BONG REVILLA ET AL

SA mga huling sandali sa buhay-laya ni Sen. Bong Revilla, ginamit pa niya ang bulwagan ng Senado para aksayahin ang panahon at pondo ng bayan para palabasin na siya’y bida at inaapi ng administrasyong Aquino.

Nakaaawa na ang pagmamaang-maangan ni Bong kaya nagpasya na tayong ituro sa kanya at sa mga kasamahan niyang nagtatanong kung nasaan ang “tuwid na daan” para naman hindi sila maligaw sa paghahanap.

Hindi lang natin basta ituturo kay Bong at sa kanyang mga kasama, kundi nakahanda pa ang inyong lingkod na ihatid sila, kung kinakailangan, upang marating ang “tuwid na daan” na matagal na nilang hinahanap.

Kung manggagaling siya sa kanilang mansion sa Aguinaldo Highway sa Imus, Cavite, dumiretso siya sa Roxas Blvd., tapos ay kuma-nan siya sa EDSA.

Pagdating sa Boni Serrano Ave., kakaliwa siya, at sa gawing kaliwa, may malaking gate ng Camp Crame na kanyang papasukan.

Pagpasok sa gate, walan siyang ibang gagawin kundi itanong sa mga nakabantay na pulis kung saan matatagpuan ang mga katata-yong selda ng PNP Custodial Center.

Pagdating doon, ipaiinspeksyon agad ang mga bitbit niyang balutan sa nakabantay na pulis at pumasok sa ituturong selda na sadyang nakatoka at itinayo para sa kanya upang simulan nang pagbayaran ang mga kasalanan niya sa bayan.

Handa tayong ihatid siya para palakasin ang kanyang loob at matiyak naman natin na magi-ging ligtas siya sa loob ng PNP Custodial Center habang nililitis ng Sandiganbayan ang kaso nila nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Juan Ponce Enrile bago natin siya iwanan.

At para mapasaya natin ang tatlong senador, magpapakabit pa tayo ng malaking tarpaulin/streamer sa mismong gate ng PNP Custodial Center at mababasang nakasulat sa malalaking letra ang mga katagang: “MGA KGG. NA SENADOR, WELCOME PO SA TUWID NA DAAN!”

(Para sa anumang sumbong at reaksiyon, mag-text o tumawag sa 09174842180. Maaring ipadala ang inyong liham sa e-mail address: [email protected])

Percy Lapid

About Percy Lapid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

John Arcenas IDOL The April Boy Regino Story

John humanga sa sobrang makapamilya ni April Boy

RATED Rni Rommel Gonzales UNANG lead role ni John Arcenas ang pagganap bilang yumaong music legend na …

Malou de Guzman Silay Francine Diaz

Malou de Guzman sa pagbibida: sinong aayaw doon

RATED Rni Rommel Gonzales SA tagal niya sa industriya, halos apat na dekada, sa wakas …

Kang Mak

Kang Mak a feel good horror-comedy

HARD TALKni Pilar Mateo NGAYON lang ako in a long time, natawa ng tawang-tawa. At …

Kathryn Bernardo Alden Richards Cathy Garcia Molina Sampana Hello Love Again

Hello, Love, Again patuloy na tumatabo,  world premiere sa US, Canada, Dubai kasado na

MA at PAni Rommel Placente PANIBAGONG history na naman ang naitala ng pelikulang Hello, Love, Again. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *