Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pangasinan mayor 2 pa utas sa ambush

DAGUPAN CITY – Patay sa pamamaril si Mayor Ernesto Balolong, Jr., dakong 9:15 a.m. kahapon sa Rizal St., Brgy. Poblacion, Urbiztondo, Pangasinan.

Ayon sa paunang imbestigasyon, bukod kay Balolong, dalawang iba pa ang namatay habang may ilang bystanders ang nasugatan.

Sakay ng van ang mga suspek nang paulanan ng bala ang alkalde na nagkataong nag-i-inspection sa lugar na pagdarausan sana ng kanilang ika-25 wedding anniversary ngayong araw na isasabay sa kasal ng anak na si Councilor Voltair Balolong.

Tinamaan ang biktima ng 22 bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging dahilan nang agaran niyang pagkamatay.

Si Mayor Balolong ay nahaharap sa kasong administratibo.

Dalawang beses na siyang ipinasuspinde ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan dahil sa kasong administratibo ngunit ibinasura ng Malacañang.

Napag-alaman din na si Balolong ay kasapi ng administration Liberal Party (LP).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …