Saturday , November 23 2024

16.39% pumasang bagong pulis

UMABOT lang sa 2,070, o katumbas ng  16.39% ang pumasa sa mga kumuha sa Philippine National Police (PNP) Entrance Exam ng National Police Commission (NAPOLCOM).

Ang nasabing resulta ay mula sa kabuuang 12,631 examinees sa katatapos na PNP entrance examination noong  Abril 27, 2014 sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ani NAPOLCOM Vice-Chair and Executive Officer Eduardo Escueta, ayon ito sa partial list ng mga nakapasang aplikante para sa PNP Entrance and Promotional Examinations, na maaga nilang inilabas.

Nilinaw ni Escueta na ang agarang pagpapalabas ng bahagi ng resulta ng eksaminasyon ay alinsunod sa ipinangako ng ahensya sa PNP at Department of Budget and Management kasabay ng nagpapatuloy na recruitment process na dumadaan sa kaukulang pagsasala.

Diin ni Escueta, mula sa kabuuang 10,673 na kumuha ng Promotional Exam para sa ranggong Police Officers, umabot sa 2,084, o katumbas ng 26.27% ang mga nakapasa.

Habang 1,742, o katumbas ng 20.82% naman ang nakapasa sa pagsusulit mula sa kabuuang  8,367 para sa Senior Police Officers.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *