Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tsinoy todas sa ice pick

SAMPUNG tama ng saksak ng ice pick sa katawan ang tumapos sa buhay ng Filipino-Chinese nang pagtulu-ngan saksakin ng magka-patid sa Pasay City,   kama-kalawa ng gabi.

Agad dinala sa Ospital ng Maynila ang biktimang si Kristoffer Chan, 36,  emple-yado, ng 1745 Cuyegkeng St., pero namatay habang nilalapatan ng lunas ng mga doktor.

Nasakote ng mga tauhan ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police, ang mga suspek na sina Nel at Randy dela Cruz, ng Barangay 1 Zone 1.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Cris Gabutin at PO3 Giovanni Arcinue, mga im-bestigador ng SIDMS, nangyari ang pagpaslang sa isang maliit na tindahan di kalayuan sa bahay ng biktima dakong 10:30p.m.

Sa ulat, nasa tindahan si Chan, bumibili ng sigarilyo nang lapitan ng suspek na si Randy, armado ng ice pick at agad inundayan ng saksak sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kahit may tama ang biktima nagawa niyang maka-takbo pero hinabol pa ni Randy hanggang Cuyeg-keng at doon bumagsak nang makita ng isa pang suspek, si Nel (kapatid ni Randy) at tumulong para saksakin si Chan.

Sa himpilan ng pulisya, tumangging magbigay ng pahayag ang magkapatid, nakatakdang sampahan ng kasong murder sa Pasay City Prosecutor’s Office.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …