Monday , December 23 2024

Lola todas sa kapeng Indonesian

CAGAYAN DE ORO CITY – Patay ang isang 78-anyos lola makaraan uminom ng hindi rehistradong herbal drink na kumalat sa ilang bahagi ng Lungsod ng Cagayan de Oro.

Inahayag ng isang nagngangalang Jojie Aries mula sa Brgy. Macasandig ng siyudad, hindi nila inaasahan na ang Sehat Badan coffee na mula sa Indonesia ang magiging dahilan ng pagkamatay ng kanilang ina.

Aniya, mahigit isang taon na ring umiinom ng kape ang kanilang ina dahil sa iniindang rheumatic disorder.

Ayon kay Aries, epektibo ang nasabing kape sa karamdaman ng ina ngunit nang huminto na sa paggamit ay nagsimula rin ang komplikasyon. Batay sa medical findings ng doktor, dumanas ng cardiac arrest ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Kaugnay nito, agad naglabas ng advisory ang Food and Drug Administration (FDA) upang ialerto ang publiko laban sa nasabing produkto. Inihayag ni FDA Acting Director General Kenneth Hartigan-Go, batay sa inisyal nilang ebalwasyon, nalabag ng produkto ang Administrative Order 88-B of 1984 o walang English translation na mababasa ang publiko sa sachet nito.

About hataw tabloid

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *