Thursday , June 4 2026

Buntis na misis inagas sa kahahanap sa nang-iwan na mister

NALAGLAG ang dinadalang limang buwang sanggol ng isang ginang dahil sa paghahanap sa kanyang mister na nang-iwan sa kanya sa isang mall.

Dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC), ang ginang na kinilalang si Cristal Cristobal, 34 , para roon raspahin bago imbestigahan ng Manila Police District-Homicide Section kung kusang nalaglag o sinadya ng ginang.

“Ang sabi ng doktor sa JRMMC, mukhang hindi daw inilaglag, may isang buwan na raw silang paikot-ikot sa Maynila at umaasang babalikan ng kanyang mister, kasama pa nga niya yong anak niyang 8 months old,” ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo.

“Sinabi niya,bigla na lang daw sumakit ang kanyang tiyan at balakang pagkatapos ay lumabas na ‘yong bata, dala siguro ng stress , hintayin muna natin matapos yong panggagamot ng doctor, “dagdag ni Vallejo.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …