Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian, isinama kina Jose, Wally, at Paolo para isalba ang career (Bagsak na raw kasi ang pagiging primetime queen)

ni Ed de Leon

TALAGANG mahahalata mo, aligaga silang maisalba ang career ni Marian Rivera, dahil sa aminin man nila o hindi, hindi maganda ang resulta ng kanyang natapos na serye. Mukhang bagsak nga yata siya sa pagiging “prime time queen”. Pero makikita mo ang effort para siya isalba.

Isinasama siya ngayon kina Jose,Wally, at Paolo Ballesteros doon sa remote telecast ng Eat Bulaga. Akala namin noong una talagang dumalaw lang siya. Pero mukhang regular na siya roon, at mukhang regulat gimmick na rin ang pamimigay niya ng puhunan at ng suot niyang relo. Original ba talaga ang mga relong ipinamimigay niya o class A lang?

Kasi noong isang araw, basta ibinigay niya ang suot niyang relo na Hello Kitty. Tapos tawa siya nang tawa nang mapuwersa nila si Paolo na ibigay din ang relo niyon. Kasi original daw ang relo ni Paolo. Nag-isip tuloy kami, baka naman Hello Kitty lang sa 168 iyong unang ibinigay?

Anyway, kung iisipin mo, iyong tinatawag na “prime time queen” ng network, ipinalit mo roon sa dating ginagawa lang niyong si Valerie na nag-OJT lang sa Eat Bulaga pero napansin ng mga tao. Kaya nga sabi namin, makikita mo naman ang effort para si Marian ay maibaba nila sa masa. Una kasi ang laging nababalita ay suplada siya. Mataray. Nakaka-away kahit na ang mga kapwa niya artista. At saka maaaring nagsasawa na sa kanya ang publiko, kaya kailangan isama muna siya kina Wally at Jose. Kung iyon ngang si Valerie eh sumikat, siya pa kaya ang hindi makabawi?

Obvious ang pagkilos nila para mabigyang ningning nila ulit ang tinatawag nilang “prime time queen”. Tama rin naman iyon. Kung maisasalba nga ba ang kanyang career eh, ‘di isalba. Tutal madali naman nilang magagawa iyon dahil ang kanyang manager ay ang producer ng Eat Bulaga.

Pero kung iisipin mo ano, parang talo pa siya ni Ryzza Mae. May sariling show ang matabang bata, samantalang siya kasama lang nila Jose at Wally at walang dudang iyong dalawa ang siyang nagdadala ng segment na iyon ng show.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …