Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusakal na holdaper itinumba sa Divisoria

052614 crime dead

PATAY ang lalaking si alyas Linga makaraan barilin ng dalawang hindi nakilalang lalaki sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila. (ALEX MENDOZA)

TODAS ang isang kilalang ‘tirador’ sa Divisoria nang pagbabarilin ng hindi nakikilalang suspek habang nakaupo sa “tejeras” (folding chair), kamakalawa sa Sto. Cristo St., Binondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang kinilala sa pangalang “Linga,” sanhi ng mga tama ng bala ng .9-mm baril.

Sa imbestigasyon ni SPO1 John Charles Duran, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pamamaril dakong 11:30 p.m. habang nagpapahinga ang biktima.

“Kilalang holdaper ‘yan don, nagtago daw ‘yan nang matagal tapos bumalik sa lugar, natiyempohan siguro kaya binira,”ayon kay Duran.

Nabatid, may tama ng bala sa ibabaw ng kaliwang mata ang biktima habang narekober ang tatlong basyo ng bala ng .9-mm baril sa pinangyarihan ng krimen.

Ayon kay Duran, sangkot ang biktima sa maraming kaso ng holdapan sa lugar na kalalabas lang sa kulungan.

Dinala ang bangkay sa St. Harold Funeral para sa awtopsiya at safekeeping.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …