Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Aquino, nakakikilabot ang galing sa pag-arte

 ni Maricris Valdez Nicasio

HINDI mapasusubalian na magagaling ang lahat ng artistang nagsisiganap o bumubuo ng Ikaw Lamang ng Dreamscape Entertainment unit ng ABS-CBN2.

At noong Huwebes ng gabi, isa sa matinding eksena ang naganap sa Ikaw Lamang. Ito ang confrontation scene nila na naganap sa bahay nina Cherry Pie Picache. Naroon sa eksenang iyon sina Tirso Cruz III, Kim Chiu, Julia Montes, Jake Cuenca, at Coco Martin. Sa eksenang iyon ay kinompronta ni Franco (Jake) si Isabelle (Kim) at nakapagbitaw ito ng hindi magagandang salita. Umalma roon si Samuel (Coco) at pumasok din sa eksena si Miranda (Cherie). Hindi nagustuhan ni Rebecca (Angel) ang maaanghang na pinakawalan ni Miranda patungkol kay Isabelle kaya naman nasabi niyang bastardo si Franco at ang tunay na heredero ay walang iba kundi si Samuel.

Sa tagpong iyon ay tila inilampaso ni Angel ang mga kaeksena at nakakikilabot namang tunay ang husay niya. Isa ang tagpong iyon sa big scene sa Ikaw Lamang na lumutang ang galing talaga ni Angel.

Sa pagkakasiwalat ng sikretong iyon ni Miranda, lalong magiging kapana-panabik ang mga susunod na mangyayari sa Ikaw Lamang na talagang isang master serye ng Kapamilya Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …